Chapter Eight: Cerberus

1.2K 60 5
                                    

Napahinto ako sa narinig ko. "Arika?" tanong ko. "Huwag mong sabihin—" Bigla akong napaiwas. Muntik na akong mahagip ni Sorao. "Lumaban kayo nang patas. Isa laban sa isa."

Nagkatinginan silang dalawa. Umatras muna si Cerberus at hinayaang harapin ako ni Sorao. Kailangan kong maniwala sa sarili ko na kaya ko silang talunin. Na kaya kong iligtas sila Hikaru. Hindi ako dapat panghinaan ng loob ngayon.

Mabilis na lumayo ako kay Sorao. Base sa kinikilos n'ya alam n'ya kung paano ang gagawin kong kilos. Kung ikukumpara sa akin, 'di hamak na mas mabilis siyang kumilos. Kailangan kong mag-isip ng paraan kung paano ko siya matatalo.

"Puro iwas na lang ba ang gagawin mo?" nakangising tanong ni Sorao at mabilis na hinagip ako. Katiting na katitining na lang at mahahagip n'ya na ako, mabuti na lang at naigalaw ko ang mukha ko. "Wala ka pala, e." Sinenyasan n'ya si Cerberus at mabilis na umalis ito.

"Saan siya pupunta?"

"Gagawa ng paraan para ganahan kang lumaban."

Napayuko ako nang bigla siyang sumuntok. Sinamantala ko ito at saka siya hinagip nang suntok sa tiyan n'ya. Napaatras siya ng kaunti. Tumawa siya nang malakas.

"Iyon na ba ang kaya mo?"

Napatingin ako sa kanya nang masama. Gusto ko siyang patahimikin na pero hindi ko alam kung paano. Mas mabilis siya kaysa sa akin. Dalawa sila at isa lang ako.

"Ghost!"

Napalingon ako sa paligid nang biglang umalingaw-ngaw ang boses ni Akira sa buong campus. "Akira!" tawag ko sa kanya.

"Huwag mo akong alalahanin, Ghost! Hanapin mo si Hikaru! Kaya ko ang sarili ko!"

"Akira, nasaan ka?!" sigaw ko pa. Mabilis na napaatras ako nang bigla kong mapansin na hahagipin na naman ako nang suntok ni Sorao.

Nag-iinit na talaga ang dugo ko. Kailangan ko nang matapos ang isang ito para mahanap ko na ang magkapatid. Delikado si Hikaru dito baka kung ano ang gawin sa kanya ng mga 'to. Mabilis na lumipad ako palabas sa harang at saka nag-isip kung paano ang gagawin. Nakatingin sa akin si Sorao, hinihintay ang susunod kong gagawin.

Huminga ako nang malalim at saka isinarado ang palad ko. Ngumisi lang si Sorao sa akin. Hindi ko alam kung eepekto ba 'tong gagawin ko pero nananalig ako. Magtitiwala lang ako sa sarili ko.

Mabilis na lumipad ako deretso sa posisyon n'ya at unti-unting inilabas ang enerhiya sa kamay ko. Binilisan ko pa nang binilisan hanggang sa hindi n'ya namalayan na nasa harapan n'ya na ako.

"Boo!" sabi ko sabay tulak ng kamay ko deretso sa puso n'ya.

Unti-unting nagliwanag ang buong katawan n'ya at sa isang iglap ay bigla na lang naglaho ito. Kasabay nang paglaho ng liwanag ay ang paglaho ng itim na aura sa katawan ni Sorao. Lumiwanag ang paligid at tila napunta kami sa isang classroom.

"Okay, class, that's for today. Huwag n'yong kalimutang gawin ang assignment n'yo, ha? May ilang araw kayo para gawin 'yan," paalala ni Sorao sa mga estudyante n'ya.

Napatingin ako kay Sorao. Ibang-iba ang itsura n'ya. Bata pa siya at tila ba masaya siya sa ginagawa n'ya. Naglabasan na ang mga estudyante maliban sa isa. Napatingin ako sa babaeng naiwan sa silid. Nakaupo ito at nakangiti lang habang nakatingin kay Sorao.

Nagkasalubong ang mga tingin nila. Hindi ko na kailangang manghula kung ano ang mayroon sa kanilang dalawa. Mahahalata mo na ito sa kanilang pagngiti at pagtingin sa bawat isa.

Bullying GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon