Chapter Ten: Ang Katapusan

1.5K 69 7
                                    

                  

TATANGGAPIN ko na lang sana talaga ang lahat ng ibibigay na suntok sa akin ng mga alipores ni Eurynomos ng biglang may sumalo nito para hindi tumama sa akin.

            "O-yama," sambit ko sa pangalan n'ya. "Paanong—"

            "Mamaya na," pigil n'ya sa akin. Ilayo mo na ang kaibigan mo rito.  Bago pa siya mapahamak ulit," utos n'ya habang nakikipagpalitan ng suntok.

            Tumango lang ako bilang sagot at pinilit na makalapit kay Hikaru. Sinusubukan ko siyang gisingin pero parang hindi ako nito naririnig. Inangat ko siya at isunukbit ang braso n'ya sa balikat ko.

            Inilabas ko ng school si Hikaru kung saan alam kong magiging ligtas siya. Tumawag ako ng taxi at sinabing dalhin sa ospital si Hikaru.

            "Hijo, ikaw ba? Mas mukhang malala ka kaysa rito sa kaibigan mo? Kailangan ba nating tumawag ng pulis?" nag-aalalang tanong nito.

            "Hindi na po. Ayos lang po ako. Kailangan ko pa pong bumalik sa loob, nandoon pa po 'yung kaibigan ko." Tiningnan ko si Hikaru. "Manong, pakidala na lang po siya sa ospital. Mag-iingat po kayo."

            Hinawakan ako sa braso ni Manong ng biglang nagdilim ang buong paligid. May mga naririnig akong tunog ng ambulansya. Nagsisigawan na mga tao. Pinilit kong maglakad para mapuntahan kung saan nanggagaling ang mga ingay. Halos hatakin ko na ang katawan ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

            Nang makita ko kung saan nanggagaling ang ingay ay napaluhod ako. Si Hikaru ay naipit sa loob ng taxi. Halos nadaganan na ng truck ang taxi. Unang inaalis ng mga rescuer si Manong Taxi driver, wala na rin itong malay at balot ng dugo ang buong mukha.

            Lumapit ako kay Hikaru. Wala na itong malay at nakaipit ang ibabang bahagi ng katawan sa upuan sa harapan n'ya. Nagdudugo ang paanan n'ya. Gusto ko siyang hatakin, pero wala akong magawa.

            Napatingin ako sa mga rescuer nang sinabi nilang patay na ang driver. Unti-unti na silang naglaho sa paningin ko at bumalik ako sa kasalukuyan. Habol ko ang hininga ko nang makabalik ako.

            Pipigilan ko sana ang driver na huwag ng umalis pero nakasakay na ito sa kanyang taxi at humarurot na paalis. Tumakbo ako para habulin sila, pero kahit anong pilit kong bilis ay hindi ko na talaga sila maabutan hanggang sa makita ko hindi kalayuan ang pagsalpok ng truck sa taxi.

            Napaupo ako sa gitna ng kalsada habang pinapanood ko ang takbuhan ng mga tao. Ang pagdating ng mga ambulansya. Ang pagtakbo ng truck driver para makatakas sa kasalanang nagawa.

            Natauhan ako nang may humawak sa balikat ko. Si O-yama.

            "Oras na n'ya," sambit nito sa akin. "Patawarin mo ako, Mata."

            "Alam mo?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. "Kailan pa?"

            "Bago pa magsimula ang lahat," sabi nito at lumapit na kay Hikaru.

            Nakaupo lang ako. Walang magawa habang pinapanood ko

kung paano n'ya kuhanin ang kaluluwa ng kaibigan ko. Halo-halo na ang nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung makakaya ko pa. Bakit kasi sa dami-daming tao sa mundo ako pa ang napili nila para maging ganito? Hindi ko naman ginusto.

            Lumapit sa akin si O-yama, dala-dala ang kaluluwa ni Hikaru. Kinuha ko sa palad n'ya si Hikaru at tiningnan ito. "Bakit? Bakit ikaw? Bakit hindi na lang ako?" Nakuyom ko ang isang kamay ko. "Ibibigay ko sa kanya ang kalahati pa ng buhay ko," determinadong sabi ko kay O-yama.

Bullying GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon