Chapter One: The Deal

3.3K 121 21
                                    

Chapter One: The Deal

 

            “Ghost, hindi ka pa ba babangon d’yan? Male-late ka na,” narinig kong sabi ni Mama sa labas ng kwarto ko. Tinalukbong ko ulit ang kumot sa ulo ko. “Ghost, isa pang tawag ko sa iyo, papasok na ako d’yan!” galit nang sigaw nito.

            “Ma! Hindi po ako papasok. Masama po pakiramdam ko!” pasigaw na sagot ko.

            Hindi talaga ako makapaniwala sa nangyari sa 'kin kagabi sa school. Sigurado akong nakita ko siya. Nakita ko 'yung kakambal ni Hikaru sa room kagabi. Pero paano? Nasa hospital lang siya at comatose. Wala naman akong nababalitaan na namatay na ito. Hindi kaya naging malikot na naman ang imagination ko? Pero, sigurado ako sa nakita ko, e. Pati nakalutang ang katawan niya.

            Nagulat ako nang biglang nawala sa katawan ko ang kumot na nakatalukbong sa 'kin. Pakiramdam ko nagtayuan lahat ng balahibo ko dahil sa takot.

            “Ano ka ba namang bata ka? Ilang beses ba kita kailangang gisingin?” Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko si Mama.

            “Ma, puwede po ba 'wag kayong mananakot?” umayos ako nang upo, “Ito na po, mag-aayos na ako.”

            Tumango lang si Mama at iniwan na ako. Hindi naman kasi titigil 'yung hangga’t hindi ako bumabangon para mag-ayos para pumasok. Wala naman kasi talaga akong sakit. Hindi valid ang reason ko para hindi pumasok. Buti pa kung may maniniwala sa 'kin na nakita ko ang kapatid ni Hikaru. Baka sabihan pa nila akong baliw.

            “Oh? Hindi ka na kakain?” tanong ni Mama sa 'kin.

            Inayos ko na ang bagpack ko. “Hindi na po, may dadaanan pa po kasi ako bago pumasok. Sige po mauna na ako,” paalam ko.

            Dumiretso muna ako sa hospital kung nasaan ang kapatid ni Hikaru na si Akira. Sakto naman papasok na sana ako ay biglang lumabas si Hikaru.

            “'Tol, ano’ng ginagawa mo dito?” gulat na tanong niya.

            “Dadalawin ko sana si Akira,” kinakabahang sagot ko. Tinignan niya ako nang nagtataka. Hindi ko naman kasi personal na kilala si Akira at para ngang hindi pa kami nagkita noong magkakilala kami ni Hikaru. “Nandito na rin kasi ako kaya naisipan kong dumalaw.”

            “Ah. Sige, punta lang ako sa cafeteria,” paalam nito.

            Pumasok na ako sa loob ng kwarto at tinignan si Akira. Magkamukhang magkamukha sila nang nakita ko sa kagabi sa school. Posible ba 'yun? Na humihinga pa ang katawang lupa niya pero ang kaluluwa niya ay naggagala? Pero bakit siya nagpakita sa 'kin?

***

            Pagdating ng break time namin ay dumiretso ako sa library at nag-reseach tungkol sa mga kaluluwang ligaw. Ayon sa mga nakalap kong mga information. Maaring may gusto pang gawin sa mundo si Akira na hindi niya pa nagagawa kaya hindi pa makaalpas ang kaluluwa niya papunta sa dapat niyang patunguhan o kaya ay sadyang ayaw niya lang umalpas patungo sa kabilang buhay.

            May mga ilang pangyayari na rin na ganito sa ibang lugar. Hindi masasabing normal, pero syempre hindi mapailiwanag ng Science. Sino nga ba ang naniniwala sa multo? Modern age na kaya wala nang naniniwala sa mga ganitong sinaryo.

            Ako na lang yata.                                                    

            Ang astig nang tingin sa 'kin ng ibang tao pero ang totoo takot ako sa mga ganitong usapan. Lalo pang nadagdagan ang takot ko dahil sa nangyari kagabi.

Bullying GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon