Chapter Four: Research

2K 97 13
                                    

Chapter Four: Research

 

          Hindi ko na alam kung nakailang beses akong naghikab sa major class namin. Muntikan na nga akong mabato ng pentel pen ng professor dahil nahuli niya akong naghihikab. Pakiramdam ko gumawa ako ng thesis kagabi kaya ako napuyat nang todo. Mas malala pa nga yata sa thesis ang ginawa ko.

            Umabot na ako sa huling pahina ng Google pero hindi ako nakahanap ng kahit anong article tungkol sa Mata. Wala akong nakuhang sagot sa paghahanap ko. Mayroon din palang hindi alam ang Google. May mga lumalabas na sagot pero walang kinalaman sa mga nangyayari sa ngayon.

            Matutulog sana ako no’ng lunch break namin pero inaya ako ni Hikaru sa roof top ng kabilang building. May ipapakita raw siya sa 'kin na maaring makatulong sa 'min. Noong una ay hindi ako naniwala dahil sa Google nga wala akong nakita, pero siya mayroon?

            “Tignan mo 'to,” inabot niya sa 'kin ang isang lumang libro, “Nakita ko sa library kanina.”

            Walang title ang libro. May nakakatakot lang na mata ang cover nito at kung titignang maigi ay halatang sobrang tanda na ng librong ito dahil ang ibang bahagi ay gulagulanit na. Binuksan ko na. Punit ang unang pahina sa gitna, pero kita pa rin na ‘Mata’ ang nakalagay dito.

            “May ganitong libro sa library natin?” nagtatakang tanong ko. “Napuyat ako sa kaka-Google sa library lang pala mayroon!”

            “'Wag ka nang magulo. Basahin mo na 'yung laman,” utos niya.

            “Nabasa mo na yata, sabihin mo na lang sa 'kin,” balik na utos ko. Tinatamad din kasi akong magbasa. Umiling siya. “Fine.”

            Ang Mata

            Oras na namatay ang Mata agad na ipinapanganak ang taong magiging kapalit nito. Hindi masasabi kung gaano katagal ang nagiging buhay ng isang Mata.

            Ang Mata ay may kapangyarihang makita ang taong hindi kayang makita ng normal na mga mata. May kakayahan din siyang makita ang nakaraan at kinabukasan ng bawat nilalang namakakasalamuha niya.

            Ang kakayahang makakita ng nakaraan ay nagagamit lamang sa mga kaluluwang ligaw. Tungkulin ng isang Mata na bigyang katahimikan ang mga kaluluwang ito. Nasa sa kanya rin kung saan niya gusto papuntahin ang mga ito. Papuntahin sa langit o impyerno.

            Ang kakayahang makakita ng hinaharap ay nagagamit lamang sa mga taong may taning na ang buhay. Mga taong may malubhang sakit o may mga nagbabadyang panganib na maari nilang ikamatay. Nasa Mata kung gugustuhin niyang iligtas ang mga taong ito. Tandaan: Kapag oras na ng isang tao ay oras na nila. Maaring hindi sila matulungan ng Mata kung ang Anghel ng Kamatayan ang hahadlang.

            Hindi kayang tulungan ng Mata ang mga kaluluwang ligaw na may buhay na katawan. Maaring makita niya ang nakaraan nito pero hindi niya magagawang ibalik ito sa katawan niya. Kinakailangan muna—

            “Ano’ng kailangan kong gawin?!” inis na sabi ko. Tinignan ko ang kabilang pahina pero wala na ang kasunod. Punit ito at malayo na ang mga nakalagay sa susunod na pahina. Tinignan ko si Hikaru. “Putol.”

            “Kailangan nating maghanap ng katulad na libro na 'yan,” sabi niya.

            “Mukha bang may makikita tayo? Nag-research ako sa Google magdamag pero wala akong makita tungkol sa Mata,” sagot ko sa kanya. “Tingin ko kung igu-Google din natin ito, wala tayong makikita.” Biglang napakunot ang noo ko. Lumagpas ang tingin ko kay Hikaru. “Shit.”n

Bullying GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon