Chapter Three: San Pedro

2.1K 102 19
                                    

Chapter Three: San Pedro

 

            Ilang araw akong hindi kinausap ni Hikaru. Siguro ay kailangan niya muna ng panahon para makapag-isip. Hindi rin nakikipagkita sa 'kin si Akira dahil nakakahalata na raw sina Sorao at ang iba pa. Natatakot siya na malaman nila na totoo ang Mata at iba rin daw ang kutob niya tungkol sa paghahanap nila sa 'kin.

            “Ghost, bakit hindi kayo magkasama ni Hikaru?” tanong sa 'kin ni Katelyn.

            “May hindi lang pagkakaintindihan,” sagot ko. “Kumusta?”

            “Okay lang naman. Nanalo kami sa National, hindi ko alam kung papayag ang school na ipadala kami for the intenational competition.” Tumango tango na lang ako sa kanya. “Bakit ba ang weird niyo ngayon? Nawala lang ako ng ilang araw, ah?”

            “Madaming nangyari,” tipid na sagot ko.

            “Hey. 'Wag mong sabihin sa 'kin na kakalimutan niyo na ni Hikaru ang pagkakaibigan niyo dahil d’yan sa sinasabi mo? Hindi ako sanay na nakikita kayong gan’yan,” sabay na tumingin kami kay Hikaru, “Parang magkapatid na nga kayong dalawa, e. Ayusin niyo 'yan, ha?” Tumango tango na lang ako.

            “Kanojo ga kirai desu.” Napatingin ako kay Akira na bigla na lang sumulpot sa gilid ko. Masama ang tingin niya kay Katelyn. I hate her.

            Binuksan ko 'yung notebook ko at nagsulat sa likod nito. Bakit? Pasimple kong winasiwas ang kamay ko para matapik ko siya at makita niya 'yung sinulat ko. Binasa niya lang ito at bigla na lang umalis. Ano naman kaya ang problema no’n?

            Napatingin ako kay Hikaru nang lumapit siya sa 'kin.

            “Let’s talk,” aya niya. Tumayo na ako at sumunod sa kanya. Nagpunta kami sa rooftop. “Nandito ba siya ngayon?” tanong niya. Umiling lang ako. “I’m sorry kung nagalit ako sa 'yo. Tama ka naman, e. Hindi ako maniniwala kung sinabi mo 'yun sa 'kin,” huminga siya nang malalim, “Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala.”

            Tinignan ko lang siya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung ano ang sinabi sa kanya ni Akira nang magkausap sila sa panaginip nito.

            “How can I help you?” seryosong tanong niya. “Ano’ng maitutulong ko para maibalik mo 'yung kapatid ko sa katawan niya?”

            “I-I don’t know,” mahinang sagot ko. Napapikit ako nang bigla niya akong sinuntok. Akala ko ay tatama sa mukha ko pero sa pader sa likuran ko ito tumama. “I’m sorry.”

            “Sabi niya natulungan mo raw 'yung isang matanda, paanong hindi mo magawa sa kapatid ko?” mahina at may bahid ng galit ang tono ng boses niya.

            “Hindi ko alam. Ilang beses naming sinubukan, pero hindi talaga.” Napatingin ako sa likuran ni Hikaru. “Akira...”

            Napatingin si Hikaru sa likuran niya. “Akira,” tawag niya dito, “Naze boku wa anata ga miru koto ga dekinai nodesu ka?” Pinunasan ni Akira ang mga luha niya. Why can’t I see you? Tinignan ako ni Hikaru. “Hindi ko ba siya magagawang makita?”

            “Nii-chan,” tawag ni Akira. Big brother. “Naririnig mo ba ako?” Sunod-sunod na tumango si Hikaru. “Hanggang dito lang ang kaya ko. 'Wag kang magagalit kay Ghost, hindi niya talaga kayang tulungan ka para makita ako,” lumapit siya kay Hikaru at hinawakan ang mukha nito. Biglang lumakas ang hangin. “I miss you.”

Bullying GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon