Chapter Seven: Arika

1.8K 76 14
                                    

Chapter Seven: Arika

 

          “Akira, nakita mo na ba?” tanong ko sa kanya. Parang bigla s’yang natauhan at napatingin sa 'kin. “Ayos ka lang ba? Kanina ka pa gan’yan, ah?”

            “Ah. W-wala 'to. May iniisip lang ako,” mahinang sagot niya.

            “'Yung sinabi ba ni O-Yama? Huwag mong isipin 'yun. Hindi ko hahayaang may mangyari sa 'yo,” paninigurado ko sa kanya.

Pilit na ngumiti siya sa 'kin. “Salamat,” sabi niya at lumipad na patungo sa kabilang parte ng library.

            Tinitigan ko lang siya. Hindi ko alam kung paano ko siya matutulungan, pero lahat gagawin ko para matupad ko ang pangako ko sa kanya na tutulungan siyang makabalik sa katawan niya. Makabalik sa dating buhay niya.

            “Hindi ko nakikita kung ano ang tinitignan mo, pero sigurado akong kapatid ko 'yan.” Napatingin ako kay Hikaru. “Daro?” nakangiting sabi niya. Right?

            “Hindi ah! Ano ka ba?” sabi ko sa kanya at hinawi siya palayo sa 'kin.

            “Wala namang masamang magkagusto ka sa kapatid ko ah! Maganda siya, mabait pa at matalino din,” pagmamayabang niya.

            “Alam ko naman 'yun, pero alam mo namang si Katelyn ang gusto ko, 'di ba?” nakangiting sabi ko sa kanya. Napailing na lang siya at tinuloy ang paghahanap. “Nasaan kaya niya nilagay 'yun?” tanong ko sa sarili ko habang tinitignan ang mga libro. Baka inipit lang ni Eurynomos sa mga libro ang hinahanap namin.

            Napatingin ako sa pintuan. May paparating. Tumingin ako kay Akira at nakatingin na rin siya sa 'kin. Sinenyasan niya ako na itago na si Hikaru. Kaya pasimpleng hinatak ko na siya papunta sa pinakasulok na bookshelf.

            “Ano’ng nangyayari?” naguguluhan na tanong niya.

            “May parating,” maikling sagot ko.

            Sabay kaming sumilip sa maliit na espasyo sa pagitan ng mga libro at ng bookshelf. May dalawang estudyante na pumasok. Naningkit ang mga mata kong tinitigan sila. Pula ang mga mata nila at sigurado akong may ibang tao na gumagamit ng katawan nila.

            “Ikaw ba naniniwala ka sa Eurynomos na 'yun?” tanong ng isa. “Maniwala akong kilala niya nga ang Mata.”

            “Naniniwala si San Pedro, e. Wala na rin akong pakialam basta ang gusto ko lang ay makaalis na sa lugar na ito. Masyado na tayong matagal dito,” sabi naman ng isa. “Bilisan mo nang maghanap.”

            “Ano nga 'yung pinapahanap sa 'tin?”

            “'Yung mga piraso ng libro!” sabi nito sabay batok sa kasama.

            “Baka maunahan nila tayo,” bulong ni Hikaru.

            Saglit na nag-isip ako. “Just act normal. Kunwari naghahanap lang tayo ng libro for research. Hindi nila tayo dapat maunahan. Mas kailangan natin 'yun.”

            Dahan dahan kaming lumabas sa pinagtatugan namin at nagkunwaring may hinahanap na libro. Umakto kaming parang normal lang at hindi namin sila kilala. May mga pagkakataon na mapapatingin sila sa 'min kaya tinatanguan lang namin sila.

            “Kung 19 years na siyang nagtatrabaho bilang Anghel ng Kamatayan ibig sabihin ang kailangan nating hanaping mga libro ay 'yung mga matatagal na dito,” bulong ko kay Hikaru.

Bullying GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon