Jealous

518 33 7
                                    

Pakiramdam ni Glaiza ay may kakaiba sa nararamdaman nya ngayon.. She feels weird seeing Rhian and wanting her to be near her as much as possible.. Kailanman ay hindi sya naghahangad ng atensyon ng iba lalo na ng babae, pero ngayon iba ang kanyang nararamdaman, gusto nya nasakanya lang ang atensyon ni Rhian..

Crush ba ito?

Love??

Hindi nya alam, basta ang sigurado lang sya sa oras na ito ay nararamdaman nya ang pakiramdam na bago sakanya, ang selos..

Kunot noo si Glaiza na pinapanood si Rhian at ang lalaking biglang dumating sa shoot nila..

'May dala pang bulaklak..'

'Tss.. May payakap yakap pa ang mokong na ito..'

Bulong ni Glaiza sakanyang sarili.. Pakiramdam nya ay para na syang baliw na kinakausap ang sarili.. Naiinis sya sakanyang nakikita..

Bigla syang nakaramdam na gusto nyang sugurin at basagin ang muka ng lalaking nakikita nya ngayon.. Simula kasi ng dumating ito, sumigla ng husto si Rhian at naiinis sya dahil doon.. Gusto nyang ihampas ang gitara nya ngayon sa ulo ng lalaking kausap ni Rhian..

Patapos na si Glaiza sa shots nya.. Na finalize na lahat ng angulo na gusto ni Rhian para sa pictorial, ayon kay Sally.. Glaiza planned to invite Rhian para mag lunch bago pa dumating ang lalaking iyon, iimbitahin nyang kumain si Rhian habang naka break ito at ibabalik na nya sana ang bracelet nito and ofcourse she wanted to talk to her..

The feeling is weird for Glaiza.. But to be honest she was more curious about the kissed they shared.. Yun talaga ang hindi maalis sa isipan nya, actually halos makalimutan na nga nya kung ano ang nakita nya kanina.. Kung paano napatigil ni Rhian ang oras ng ilang sandali, but now seeing Rhian being comfortable with some other guy makes her mad..

Badtrip na bumalik si Glaiza sa dressing room nila para magpalit.. Imbis na yayayain nya sana si Rhian lumabas para mag lunch, naisip nyang wag nalang at uuwi nalang sya ng maaga sa condo nya para magpahinga at matulog.. Hindi narin nya alam ngayon kung nasa mood parin sya para siputin ang kapatid na si Alchris mamaya..

Pagtapos magshower ni Glaiza saglit, nagbihis sya at kinuha ang bag nya at umalis.. Dumaan pa sya kung saan nag sho-shoot si Rhian dahil no choice sya, wala naman syang ibang lalabasan.. Napansin nyang wala na yung lalaking epal para sakanya at busy na ulit si Rhian sa pagkukuha ng pictures sa mga kabanda nya..

Nagtamang muli ang mga mata nila ngunit mabilis na nakaiwas ng tingin si Rhian dito, avoiding Glaiza's stare.. Lumapit ng bahagya si Glaiza sakanila para magpaalam na sa pinsan nya.. Gusto nya rin sana kausapin si Rhian pero naiinis parin sya kahit alam naman nyang wala talagang karapatan para mainis, pero anong magagawa nya eh sa naiinis talaga sya..

Nakita nanaman ni Glaiza ang bulaklak na bigay ng lalaki kay Rhian dahil nasa tabi ito ng mga gamit nito.. Muling kumunot ang noo nya..

"Sally.."-tawag ni Glaiza sakanyang pinsan at agad naman lumapit ito sakanya..

"I'll go ahead.."-paalam nya dito..

"Aalis ka na? Mag lu-lunch kami, ayaw mo bang sumabay?"-Sally

"Hindi na.. May lakad pa kasi ako eh.."-pagdadahilan ni Glaiza dito dahil alam nyang si Rhian ang tinutukoy nito na kasabay nitong maglunch..

"Oh Tsong uuwi ka na??"-si Batchi na syang kinukunan ng litrato ni Rhian

"Oo, may lakad pa kami ng kapatid ko mamaya eh.."-Glaiza

Magic of Love (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon