Soulmate

274 30 1
                                    

Time runs..

Saturday

Punong puno ng fans ang  concert ni Glaiza sa Music Museum, rinig na rinig mo ang tilian ng mga tao na isinisigaw ang pangalan ni Glaiza..

Konting oras nalang ay magsisimula na ang concert nya, lahat ng kabanda nya ay excited na at hinihintay nalang ang paglabas nila, but Glaiza was sulking with her phone in her hand..

It has been two days since she was waiting for a call or text from Rhian.. dismayado si Glaiza dahil wala syang natanggap na text o tawag mula kay Rhian mula pa nung nagpadala sya ng regalo dito na may kasamang ticket.. Kahit ang pinsan nyang si Sally ay hindi rin sinasagot ang mga tawag nya..

She might just have to put herself together for her concert, she will give her best para sa mga fans na manonood, ayaw nyang masayang ang pagbili ng mga ito ng ticket para sa concert nya.. but deep inside of her, pakiramdam nya ay mas magiging okay sya kung darating si Rhian.. pakiramdam nya ay mas lalo syang gaganahan kumanta kung makikita nya ito ngayon..

Iniisip ni Glaiza ngayon na kahit i-decline ni Rhian ang invitation nya ay okay lang atleast nagsabi ito kesa naman ngayon na nangangapa sya kung pupunta ba ito o hindi. Sa tingin nya ay masyado syang umasa doon sa post ni Rhian sa Instagram, ayan tuloy nakatikim sya ng hopia..

Nagsimula na ang concert nya, Binigay ni Glaiza ang best nya para mapasaya ang mga fans, kanta dito kanta don.. masaya sya sa ginagawa nya, for Glaiza this is her passion.. dahil sa sigawan, tilian ng mga fans nya ay lalong nabubuhay ang dugo nya, lalo syang ginaganahan sa pagkanta..

Ganoon nya kamahal ang pagkanta, kahit nag iinvest na rin sya sa ibang bagay tulad ng pag arte, hindi nya kayang iwan ang music, ang pagkanta..

As always, pinakita nanaman ni Glaiza ang galing nya sa pagkanta, inimagine nalang nya na nakikita nya si Rhian para ganahan sya lalo, pero pakiramdam nya ay malungkot sya dahil sa hindi ito dumating..

Natapos na ang concert pero hindi parin makita ng mga mata nya ang taong kanina nya pa gustong makita, gayon paman naging successful nanaman ang araw na iyon para kay Glaiza..

Masayang masaya ang mga kabanda nya dahil sa natamong success ng concert nila and they were planning for a little celebration after..

"Oh mga tsong saan tayo?"-sabi ni Batchi sa mga kabanda nila

"Kantahan tayo!"-sabi naman ni Angelica na kabanda din nila at napatingin silang lahat dito

"Ano? Kantahan na nga tong pinanggalingan natin, kantahan parin ang gusto mo?"-kamot ulong sabi ni Batchi

"Eh bakit? Si Glaiza lang naman ang kanta ng kanta ah.."-Angelica

"Mag bar nalang tayo!"-masayang sabi ni Batchi

Halos lahat sila at nasa mood mag good time except for one na nananatiling tahimik na nakaupo. She took her bag and took out her phone and checked for a certain message that she hoped for, since Thursday..

Parang tumigil ng isang segundo ang puso ni Glaiza ng may makita syang notification ng isang message sa viber application from an unregistered contact..

Dali dali itong binuksan ni Glaiza, and the message that she saw was enough to make her stomach fill with not only butterflies but with every animal in the kingdom.. pakiramdam nya ay nagwawala ang mga iyon sa loob ng tyan nya..

The unregistered contact sent a picture of her while singing, then a message that says "congrats for the successful concert.. you did great! ;-) Well, I guess I was lucky after all.. :-)"

At dahil don, nagmadaling lumabas ng dressing room si Glaiza, hoping na makikita nya si Rhian.. halos takbuhin nya ang buong museum, halos lahat ng fans nya na naghihintay sakanya ay kino-congratulate sya at nagpapa picture sakanya..

--------------------

Nilibot ng mga mata ni Rhian ang buong museum, there were few na naglilinis na ng museum at inaayos ang mga gamit na nandoon, sinulyapan ni Rhian ang cellphone nya, tinignan nya kung nabasa na ba ni Glaiza ang message nya..

Seen

Pero bakit walang reply?-tanong ni Rhian sa sarili nya

Rhian was sitting there, as if waiting for Glaiza to come, pero lumipas na ang ilang minuto wala padin.. kaya naman nagdesisyon na syang tumayo and headed to the exit..

She even finds herself wondering why she is even waiting. Sabi kasi nya sa sarili nya na pagbibigyan nya lang ang request ni Glaiza dahil pasasalamat narin nya sa ginawang pagligtas nito sakanya..

Tumayo na si Rhian at naglakad na para makalabas, lumingon pa sya ng isang beses at tumingin sa phone nya pero wala talaga itong reply sakanya..

-------------------

Nasa gitna ng pagpapa picture si Glaiza  at nahihiya syang tanggihan ang mga fans nya pero kailangan na kailangan na talaga nyang umalis..

'Shit, di ko nga pala nareplyan si Rhian..'-bulong ni Glaiza sa sarili nya habang naglalakad na ulit para hanapin si Rhian. She swiped her phone pero on her luck the battery seemed to have died already..

Di nya pala ito nacharge kagabi.. naiinis si Glaiza sa sarili nya.. halos takbuhin na nya ang palabas ng museum and finally natunton na nya ang exit nito, muli nyang inilibot ang mga mata nya sa kabuuan ng paligid..

Pero wala.. wala syang makitang babae na nakasuot ng damit nya kung saan nakasulat ang apelyido nya..

Huminga ng malalim si Glaiza.. babalik na sana sya sa dressing room nila when she saw what her eyes have been looking for..

"De Castro" and there she was..

They were standing from end to end.. Rhian was about to leave and she hurried to her. Before the door close Glaiza shouted "Rhian!" Pero parang nagkulang yata ng hangin ang lalamuman nya at mahina ang sigaw nya..

Palabas na ng pinto si Rhian kaya naman sa abot ng makakaya nya ay muli syang sumigaw..

"Rhian!.... De Castro!!!!"

And bingo! Lumingon si Rhian sakanya..

























A/n: another ud! 😊

Kamusta kayo sa storyang to?

Magic of Love (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon