Calls

620 39 6
                                    

Unti unting natunaw ang isang tasang ice cream ni Rhian dahilan para mawalan na sya ng ganang kainin ito.

Nag aalangan naman si Mommy Clara na pag usapan ang bagay na ito sa anak, ang tungkol kay Glaiza. It is unfair for her to tell Rhian not to be involved in relationships lalong lalo na kung kapwa babae nya ito pero sino ba naman sya para pigilan ang anak sa kung sino man ang gustong mahalin nito, nasa tamang edad naman na ito at pinagkakatiwalaan nya ang mga desisyon nito, may tiwala sya kay Rhian para gumawa ng sarili nitong desisyon and even without being told, she knows that Rhian keeps in mind the consequences..

"Yung naghatid sayo, kaibigan mo sya 'nak?"-maingat na tanong ni Mommy Clara kay Rhian

"Kapatid po ni Alchris Mom.."-Rhian answered not being able to look at her Mom..

"Ah.. di lang kasi ako sanay na may naghahatid sayo, you didn't allow anyone before.. and--- magandang babae ang kaibigan mo.."-Mommy Clara recalled

Nakikinig lang si Rhian, hindi nya alam ang isasagot nya dito..

"Pangalawang beses ka ng hinatid nyan.. at 'nak narinig ko na isa syang lesbian diba?"-maingat na pagtatanong ni Mommy Clara sa anak..

Kumunot ang noo ni Rhian at naisip nya na nakita pala nito ang paghatid noon ni Glaiza sakanya noong tinulungan sya nito.. napabuntong hininga nalang si Rhian..

"Rhian.."-agad naman tumingin si Rhian sa kanyang ina ng marinig nito ang pagbanggit ng pangalan nya at muli itong napabuntong hininga..

"Glaiza is just a friend Mom.."-pagsagot ni Rhian dito, dahil alam nya kung ano ang gustong tumbukin ng Mommy nya..

Naiintindihan ni Rhian kung bakit kailangan nilang pag usapan ang tungkol dito, alam nya ang dahilan nito.. alam nyang off limits ang mga taong di nya kauri lalo na na kapwa babae nya pa ito.. She felt disappointed.. 

Ang limitasyon sa pagitan ng relasyon ng isang ordinaryong tao at ng eiraya tulad nya, that's why disappointment embraced her..

"That is not what she said in the news.."-tumayo si Mommy Clara papuntang kusina bitbit ang mga pinagkainan nila ng ice cream..

Sinundan ito ni Rhian, hindi nya pa napapanood ang balitang sinasabi ng Mommy nya.. It makes her wonder what exactly did Glaiza said to make her mother worry like that..

Pagtapos nilang mag usap na mag ina, umakyat na si Rhian patungo sa kwarto nya.. after hearing those words, She suddenly felt tired and wanted to cover herself with blankets and just sleep off her thoughts for the mean time..

Rhian opened her bedroom door without touching it and locked by it's self behind her, put on the lights in a snap and slowly dove in her soft bed..

Nakipagtitigan si Rhian sa kisame, habang nakahiga.. iniisip nya ang mga sinabi ng Mommy nya..

Iniisip nya na baka tama ang mga sinabi ng Mommy nya, mas maaga mas madali pang iwasan ang sitwasyon nila ni Glaiza, bago pa sya tuluyang mahulog dito, bago pa tuluyang lumalim ang nararamdaman nyang pagkagusto dito..

Iniisip palang ni Rhian ang mga bagay na yan pakiramdam nya ay nadudurog na ang puso nya.. muling napabuntong hininga si Rhian..

Nasa gitna ng pag iisip si Rhian kung ano ang dapat nyang gawin ng biglang tumunog ang cellphone nya, kinuha nya ito sa bag nya at tinignan kung sino ang tumatawag, nakita ni Rhian ang pangalan ni Glaiza sa screen ng cellphone nya, biglang tumibok ng mabilis ang puso nya, gumuhit ang ngiti sakanyang mga labi, nakaramdam sya ng kilig, ngunit unti unti ring nawala ang mga ito ng muling sumagi sa isip nya ang gustong iparating ng Mommy nya kanina, ang iwasan nya si Glaiza.. ipinatong nyang nakataob ang cellphone nya sa lamesita, pinili nyang hindi na lamang sagutin ang tawag nito..

---------------------

Masayang masaya si Glaiza, halos hindi matanggal ang mga ngiti nito.. bukod sa naging successful ang concert nya, nakasama pa nya si Rhian. Hindi maitanggi ni Glaiza sa sarili na may ibang sayang dulot si Rhian sakanya..

Soon as she enters the condo, tinawagan nya si Rhian, buti nalang at nakapagcharge na sya sa kotse nya kanina, excited na humiga si Glaiza sa kama nya, with her phone on her ears as she called Rhian.. two, three, four, five rings and there was no answer from Rhian.. nalungkot si Glaiza, pero naisip nya na baka tulog na ito kaya hindi nito sinasagot ang tawag nya, dadalawin nalang nya ito bukas para sorpresahin si Rhian..

Nakahiga si Glaiza sa kama nya when her phone vibrated, she expected that it would be Rhian probably returning her call, pero ang Nanay Cristy nya pala ito..

Sinagot rin agad ni Glaiza ang tawag dahil miss narin nya ito.. bihira kasi syang umuwi sa bahay nila kapag sobrang busy talaga sya..

"Hello Nay.."-Masayang bati ni Glaiza dito

Nawala ang ngiti ni Glaiza ng marinig nya ang sinabi nito..

"Cha, ang lolo mo... inatake."

Dahan dahan ibinaba ni Glaiza ang cellphone nya pagkarinig  nya sa sinabi ng ina..

Naisip ni Glaiza na ganto ba talaga lahat ng kasayahan ay may kaakibat na kalungkutan?




































A/n: ud ud..

Sino po nagbabasa dito nung BIL? 😊

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Magic of Love (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon