Chapter 1

47 2 1
                                    

It's been a while. Back to school na naman. Katatapos pa lang kasi ng sembreak eh.

Sa totoo lang hindi ako excited pumasok ng school. Same person lang naman ang makikita ko dito at mga nakakaboring na mga discussion ng mga teachers.

Umakyat ako ng hagdan papunta sa classroom ko. Araw-araw aakyat na naman ako ng hagdan nakakasakit ng paa eh.

Palaging ganito ang routine 'pag pumasok ka ng school. Aakyat ka ng hagdan papunta sa classroom mo tapos bababa ka ng hagdan kapag break time. Nakakapagod noh?

Nang makaabot na ako ng itaas ay nagulat na lang ako ng biglang may yumakap sa akin. Muntik na nga akong mahulog ng hagdan eh.

"KC, na-miss kita." Sambit ng yumakap sa akin at kumalas sa pagkakayakap.

"Baliw ka ba? Paano kung nahulog na talaga ako sa hagdan?" Sermon ko sa kanya pero nakangiti lang siya sa akin.

Ewan ko ba sa babaeng ito kung bakit pinapagalitan ko pa nga ngumingiti pa rin siya. Anong trip kaya ng babaeng ito?

Naglakad kaming dalawa papunta sa classroom namin. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Hanggang sa madatnan ko ang isa kong kaibigan.

"KC, ay! Hmm.." sabi niya sa akin pero iba ang ekspresiyon niya ng makita ang katabi ko. Ayaw niya kasing kasama ko siya 'di ko alam kung anong dahilan eh. Pero sa pagkakaalam ko joke lang yun.

"Mang-aagaw!" Irap ni Catie. Yung babaeng nasa harap ko.

"Paki mo ba?" Irap naman ng katabi ko si Jeslyn.

Nagpalitan lang sila ng masasamang tingin habang ako bored na nakatingin sa kanilang dalawa.

One..

Two..

Three...

"Hahaha.." sabay tawa ng dalawa. Baliw noh?

Kung sa inyong paningin magkaaway silang dalawa pero sa totoo lang nagkukunwari sila. May topak kaya ang dalawang yan. Ang laging pasimuno si Catie, nakikisakay lang din si Jeslyn.

Si Catie kasi matagal ko na siyang nakilala noong elementary pa lang kami. Classmate lang ang turing ko sa kanya noon pero nang nasa high school na kami kaibigan na ang turing ko sa kanya.

Tumabi sa akin si Catie at nakisabay rin sa paglalakad.

"Kamusta na pala kayo ng crush mo?" Tanong ko sa kanya at tinignan ko siya. Abot ng langit ang kanyang ngiti.

"Ayos lang kami." Sabi niya.

"Sino naman yun?" Tanong ni Jeslyn pero agad naman inirapan ni Catie.

Yung crush na sinasabi ni Catie ay ang pinsan kong si Ian. Ewan ko ba kung bakit nagustuhan ng kaibigan ko si Ian. Sa totoo lang hindi siya gwapo sa paningin ko. As in, hindi siya gwapo.

Si Ian kasi close sa mga girls kaya agad na napalapit niya si Catie. 'Di ko nga alam kung playboy ba ang lalaking iyon. Hindi ko nga pinapakialaman yung privacy niya. I do respect others privacy.

"Come on! May nakalimutan ako sa student council office. Magkita na lang tayo ulit." Paalam niya sa amin ni Catie at tumakbo papalayo.

Nahalal siya bilang student council kaya maikli lang ang oras niya sa akin. Kung hindi ko siya kasama si Jeslyn ang palagi kong kasama.

Aside from being a friend of Jeslyn, pinsan ko rin siya. She is just my 3rd cousin. Nagulat nga rin ako dahil hindi ako makapaniwala na pinsan ko siya.

Nakarating na ako sa classroom namin at nasa tapat ako ng pinto at si Jeslyn naman ay nasa likuran ko. Bubuksan ko sana ang pintuan pero agad itong bumukas at napadapa na lang ako sa sahig dahil sa pagbangga sa akin ng isa sa classmate ko. Dali-dali siyang tumakbo papalayo.

Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon