"Baliktad yata."
"Oo nga eh."
Palabas na kami ni Jeslyn ng classroom. Nagdismiss na kasi ang adviser namin at hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ko gusto yung partner ko. Siguradong kawawa siya sa akin yun. Humanda siya sa akin.
Kung ano man ang kasalanan sa akin ni tadhana dapat siya ang sasalo ng galit ko kay tadhana. Dapat damay siya doon.
"Bukas ulit ah."
"Oo naman. Bye! Ingat ka."
"Anong ingat ako? Dapat sila mag-ingat sa akin."
"Oo na!" Sabi ni Jeslyn tapos naghiwalay na kami ng landas.
Oo nga! Dapat sila mag-ingat sa akin. Huwag niyo akong subukan kung ayaw niyong masaktan. Yan ang motto ko. Ganda noh? Kasing ganda ng gumawa ng motto niyan. Sino pa ba? Edi ako lang naman ang gumawa ng mottong iyan.
Magsisimula na sana akong maglakad ng may tumawag sa akin. Lumingon ako at nakita kong si Catie na tumatakbo papunta sa direksyon ko.
Huminto siya sa harap ko at hingal na hingal. Alam mo yung mukha niya ngayon? Para siyang hinabol ng sandamakmak na aso. Super haggard niya kaya na pagkamalhan mo pa siyang multo. Buti na lang hindi ako takot sa mga multo.
"Anong nakakatawa?" Irap ni Catie. Hala.. tumawa ba ako? Hindi ko yun namalayan ah.
"Ang ganda mo kasi eh." Pagkasabi ko nun ay napatawa na ako ng malakas. Agad naman ako binatukan ni Catie kaya napahawak ako sa batok ko dahil masakit yung pagkakabatok niya sa akin.
"Huwag ka ngang tawa ng tawa diyan." Sabi niya tapos nagsimula na siyang maglakad. Agad ko naman siyang sinundan.
"Nakapag-isip ka na ba kung sino i-a-assign mong Romeo sa play?" Tanong ko na sa kanya. Huwag ko na lang siyang asarin. Parang tigre nga yang magalit eh.
"I think Iñigo can handle the character." Napatigil naman ako sa sinabi ni Catie.
Iñigo? Jeslyn? Sila ang gaganap bilang Romeo and Juliet. Grabe na si tadhana siguradong papahirapan ko siya pati na rin si Jun damay siya sa paghihirap ni tadhana.
Kung pwede lang ako na lang ang Juliet pero ang problema hindi ko alam umarte eh. Magaling si Iñigo sa pag-arte at hindi kami bagay sa isa't isa dahil napakagaling niya. Ang hirap niyang abutin.
Teka nga lang. 'Di ba crush ko lang si Iñigo? Bakit ba parang nag-a-act ako na parang gusto ko siyang maging boyfriend. Burahin mo KC crush mo lang siya. Oo, crush mo lang siya wala ng ibang feelings.
"Bakit ba pinagpipilitan mo ang isang bagay na hindi mo gusto pero ang bagay na iyon ay ang nararapat sayo." Ouch ah! Natamaan ako doon. Grabe 'tong si Catie, nababasa niya ba ang iniisip ko?
Oo nga, tama si Catie. Parang hindi na crush ang turing ko kay Iñigo parang iba eh. Ano ba tawag nun?
"Love." Teka nga! Nababasa ba ni Catie ang iniisip ko?
"Bakit ka pala nagsasalita ng walang kausap?" Agad naman niya akong binatokan.
"Sira ulo! Ikaw ang kinakausap ko. Wala naman tayong ibang kasama kundi ikaw lang alangan naman yung pusa." Pagkasabi niya yung huli agad niyang tinuro yung pusa na nakatingin sa amin.
"May tenga naman yang pusa para makinig sa mga sinasa-- Ouch! Ang sakit nun ah!" Binatukan na naman ako ni Catie. Ang hilig nitong mambatok.
"Huwag mo nga akong pilosopoin." Sabi niya tapos tumalikod siya sa akin.
Pagkalabas na pagkalabas namin ng campus bumungad na sa amin si Ian at ang mga barkada niya. Lahat sila'y napatingin sa amin, si Catie naman sobrang higpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.
BINABASA MO ANG
Love Cycle
Short StoryMahal kita pero sa iba ka nakatingin. Mahal mo siya pero sa iba siya nakatingin. Yung mahal mo iba rin nakatingin. Yung mahal ng mahal mo sa akin nakatingin. Kailan ba titigil ang love cycle na ito? Note: This story is already finish. Written by pur...