Chapter 4

18 1 0
                                    

Byernes na kaya magsisimula na ang friendship day na sinasabi ng adviser namin.

Wala akong planong um-attend dito pero sabi nga nila madami daw na points ang matatanggap ko dito kaya no choice kundi sumali na lang. Sayang yung points eh tsaka ang hirap din kaya maghabol at ayaw ko pa naman na ako yung pinakamababa ang average.

Nasa classroom ako at nag-iisa. Yung iba nagsipuntahan sa covered court kung saan mag-s-start ang opening program. Dito muna ako tutal mamaya pa lang magsisimula yun.

Gumagawa ako ng letter ngayon. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nagawa kong gumawa ng letter.

Letter nga para kay Iñigo. Naisip ko rin na paano kung umamin ako sa kanya? Wala naman dun masama kung umamin ka basta nailabas ko yung tunay na damdamin ko sa kanya.

Bigla-bigla na lang pumasok sa isip ko yung napanood kong movie love story kagabi na nagpapuyat sa akin buti na lang maaga akong nagising. Nakalimutan ko pa nga yung title niya eh. Basta tungkol yun about sa crush.

Nakaramdam na naman ako ng gutom kaya kinuha ko ang yum burger sa bag ko ba in-order ko sa Jollibee kanina bago ako pumunta ng campus. Kaunti lang kasi ang kinain ko kanina.

Itutuloy ko ba itong letter? Paano kung hindi niya ito pansinin? Parang yung napanood ko kagabi.

Sana naman hindi siya maging manhid sa nararamdaman ko tulad ng iba diyan. Sana naman hindi niya babalewalain itong letter na ito.

Nag-effort nga yung tao tapos babalewalain niya. Ganyan ngayon ang mga tao ngayong panahon na ito. Sana naman hindi ganun si Iñigo.

Aamin na ba ako? Sure ka ba KC? Crush ko lang siya naman at hindi love. Paano kung mangyari yung mga iniisip ko kanina? Bahala na nga si Batman.

Iñigo, I like you..

Huli kong sinulat sa letter ko. Sasabihin ko ba yung pangalan ko? Baka naman maging weird yung pakikitungo niya sa akin.

-Your Secret Admirer

Yan na lang ang sinulat ko. Nahihiya kaya akong isulat yung pangalan ko baka asarin pa nga ako ng mga classmates ko. Baka nga ipapabasa pa niya sa mga barkada niya itong sulat kaya hindi ko na lang sinulat yung pangalan ko. May hiya rin ako noh!

"Ano yan?" Nabulunan ako ng may nagsalita sa likuran ko at agad kong tinago ang letter.

Tinapik-tapik niya ang likuran ko tapos binigyan niya ako ng tubig pero tinanggihan ko.

"Kailangan mo yan!" Sabi niya. Ayaw ko ngang tanggapin baka nga mag-indirect kiss pa kami o kaya may germs yan.

"Huwag ka ng maarte." Sabi niya ulit. Sige na nga ang sakit-sakit pa naman ang lalamunan ko.

Kinuha ko yung tubig na binigay niya sa akin tapos ininom. Naku! Bahala na nga kung mag-indirect kiss kami.

Binigay ko na sa kanya yung tubig na binigay niya sa akin at napahawak naman ako sa baga. Tinignan ko siya ng masama at nakangiti siya sa akin. Ano naman nginingiti niya ito?

"Bakit mo yun ginawa sa akin?" Galit na tanong ko sa kanya.

"Eh, kanina ka pa nga tinatawagan kaya nilapitan na kita." Sabi niya na hindi pa rin naaalis yung ngiti niya sa kanyang labi.

Lumaki naman ang mata ko dahil sa narealize ko. Nabasa niya ba yung ginawa kong letter?

"N-nabasa m-mo?" Pautal-utal na tanong ko. Umiling lang siya kaya huminga na ako ng maluwag.

"Bakit ngiti ka ng ngiti diyan? Anong nakain mo?" Kunot-noong tanong ko sa kanya.

May sira na yata ang utak nitong lalaking ito. Kanina pang nakangiti. Hindi ko nga alam kung ano yung nginingiti niya.

Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon