Nakatingin ang dalaga sa binatang nasa counter habang nag-o-order ng pagkain niya.
Naenganyo naman ang dalaga sa lalaki kaya nakatingin lang siya sa binata.
Nagising siya sa realidad ng magsalita ang kanyang kaibigan na kanina pa nagsasalita.
"Nakikinig ka ba? Sino naman tinitignan mo diyan?" Tanong ng kaibigan niya.
Tumingin ang dalaga sa binatang kanina niya pang tinitignan at nginusuan ito.
Nakatingin naman ang binata sa kanyang kaibigan kaya napasimangot naman ang dalaga. Iba ang tingin ng binata sa kanyang kaibigan. Parang nakikita niya na gusto niya ang kanyang kaibigan.
"Tignan mo yung lalaking yun. Ang gwapo oh." Sabi naman ng kaibigan niya at nginusuan ang lalaking hindi kalayuan sa upuan nila.
Tinignan naman ng dalaga ang lalaking sinasabi ng kaibigan niya at nakataas ang kilay niya ng nakatingin ang lalaki sa dalaga.
Napaisip ang dalaga sa sitwasyon na iyon. Kung ang binatang gusto niya ay may gusto sa kaibigan niya. Kung ang gusto ng kaibigan niya ay may gusto rin sa dalaga.
"Love Cycle..."
-
AN:
This is a 5 chapter story. Hope that you enjoy it :)
BINABASA MO ANG
Love Cycle
Krótkie OpowiadaniaMahal kita pero sa iba ka nakatingin. Mahal mo siya pero sa iba siya nakatingin. Yung mahal mo iba rin nakatingin. Yung mahal ng mahal mo sa akin nakatingin. Kailan ba titigil ang love cycle na ito? Note: This story is already finish. Written by pur...