"Akin na!"
"Paano kung ayaw ko?"
"Eh, sayo ba ito?"
"Pahiram lang naman."
Ilang ulit ko ng sabihin sa kanya na akin na yung mini fan ko. Naiinitan na kaya ako at hindi na ako makakahinga dahil sa sobrang init.
"Akin na sabi eh!" Inis kong inagaw sa kanya yung mini fan ko pero hindi pa rin niya sinasauli sa akin.
Aish! Ano bang pinapalabas ng lalaking ito? Gusto niya ba talagang masaktan ah.
FYI! Sa akin kaya yung mini fan kaya nga lang hinablot niya sa akin yun tapos itinutok niya sa sarili niya yung mini fan. Nakakainis na talaga ah!
Tapos ano ang gamit ng aircon dito? May aircon na nga hindi pa nila pinapagamit sa time na ito. Ang init kaya!
Tumigil ako saglit sa pag-agaw sa kanya yung mini fan ko. Nilibot ko ang aking paningin. Nang may naisip akong plano ay inagaw ko sa kanya yung mini fan ko tapos kinuha ang walis na nasa tabi ko lang.
"Tumakbo ka na kung ayaw mong masaktan." Pagkasabi ko nun tumakbo siya. Hindi ko naman siya pinabayaan na tumakbo. Tumakbo ako para mahuli siya na dala-dala ang walis para mapalo ko.
Nag-ikot ikot lang kami dito sa classroom namin. Ang hirap niyang mahuli. Syempre lalaki siya at babae ako, malalakas kaya ang mga lalaki kaysa sa mga babae.
Lumbas na siya ng classroom habang tumatakbo. Hinabol ko naman siya. Hinding-hindi ako magpapatalo sa kanya.
Kasalukuyang nasa coridor na kami, hinahabol ko siya. Nang makaramdam na ako ng pagod ay may naisip na naman akong plano.
Tumigil ako tapos itinaas ko ang walis na hawak ko. Nang makatantsa na ako ay ibinato ko sa kanya yung walis.
Boom..
Napatigil siya at napahawak sa kanyang ulo dahil sa sakit sa pagbabato ko sa kanya yung walis. Buti nga sa kanya yun. Nakakainis na kasi siya.
Hindi ko na lang siya pinansin at babalik na lang ako ng classroom. Pagkatalikod ko bigla na lang akong bumagsak sa sahig. Ang sakit sa pwet ah!
May nakabangga kasi ako and worst sa dibdib pa niya. Ang laki naman ng lalaking ito.
Tinignan ko kung sino ito at bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko siya.
Dugdug. Dugdug.
"Sorry." Sa malamig na boses niya kinikiliti na ako.
Hindi ako makagalaw dahil sa kanya. Nanatili pa rin ako sa sahig na nakatingin sa kanya. Hinihintay ko na abutin niya ang kamay niya sa akin para alalayin niya akong tumayo. Gaya na lang sa mga drama, kung nakabangga mo ang crush mo automatic na tutulungan ka niya.
Pero...
Hindi eh, tinignan niya lang ako tapos nilagpasan na lang. Hindi man lang niya ako tinulungan tumayo. Masakit pero ayos lang yan may next time pa na naman.
"Tutulungan na kita." Napatingin naman ako sa taong nagsalita at tinaasan siya ng kilay.
"Ikaw?" Cold kong tanong sa kanya.
Tumingin-tingin siya sa paligid niya tapos tinignan niya ako. "Hindi! Malamang sila?" Wow ah! Pilosopohin pa niya ako.
Hindi ko na lang siya pinansin at tumayo na lang ako ng walang tulong. Ngunit ng makatayo ako ay bigla-bigla na lang akong nawalan ng balanse. Buti na lang sinalo ako ni Jun kung hindi babagsak na naman ako sa sahig at masasaktan na naman ang pwet ko.
BINABASA MO ANG
Love Cycle
Short StoryMahal kita pero sa iba ka nakatingin. Mahal mo siya pero sa iba siya nakatingin. Yung mahal mo iba rin nakatingin. Yung mahal ng mahal mo sa akin nakatingin. Kailan ba titigil ang love cycle na ito? Note: This story is already finish. Written by pur...