My Lover is a Vampire Prince

2.9K 41 18
                                    

"Good morning po President"

"hello po ate"

"good morning"

Ito ang kanilang bati sa kaniya ng mga estudiyante tuwing dumadaan kami sa corridor o kung saan man, kilala siya sa pagiging strikto sa school rules pero mabait at palakaibigan, pero hindi siya yung laging lumalapit.

Maganda siya, at wala sa mukha niya ang magkakaboyfriend na hindi "under-the-saya", mukha kasi siya ang laging masusunod, maraming nakatingin sa kaniya ng mataas at siyempre maraming nangangarap sakaniya.

Kasama na ako doon.

Ako ang secretary niya na laging sumusunod sa likod niya na nangangarap na makasabay siya sa paglalakad, wala eh. Likod lang niya ang nakikita ko at parang hindi ko ma abot.

Lilia Faye Rose ang pangalan niya, mula siya sa isang mayamang pamilya at balang araw ay maiinherit niya iyon. Siya lang kasi ang nagiisang anak eh.

Ito na, Ikukuwento ko na ang Girlfriend kong Presidente ng St. Miriam Academy.

"NERD, LOSER, NOT DESERVING, LAMPA" Ito lang naman ang tawag nila sa akin simula ng maging secretary ako ni ate Lilia. 

Ha? Ate? Oo, mas matanda siya saakin ng isang taon, 4th year highschool siya at ako naman ay 3rd year highschool.

Ang system kasi ng pag elect ng officer sa school ay hindi sa "popularity" kung hindi sa "grades" so lucky for me na nakaka 3rd place-5th place ako sa overall rankings para mamantain ang pagiging secretary ko.

hindi ko maiiwasang tawagin nila akong "nerd, loser" kasi sa kapal ng salamin ko at haba ng bangs ko ay perfect talaga para tawagin kang ganun.

Una ko palang  siyang nakilala ay noong bata pa siya. 

yep, Noong bata pa SIYA, sugatan ako noon at wala ng chance para mabuhay pa, pero salamat sakaniya ay nabuhay ako.

Paano?

well, noong lumapit siya sa akin ay akala ko tatakbo agad sa papalayo, ganun kasi ang ginawa ng ibang bata eh. Sugatan ako at nakukulangan na ng dugo sa dami ng sugat. 

"kailangan mo ba ng tulong kuya?" tanong ng cute na Lilia.

"Lumayo ka na saakin" pagtaboy ko sakaniya.

Nahihirapan na akong magsalita noon, nawawalan na ng malay.

"Meron po ba akong matutulong sa inyo?" Mukhang nagaalala talaga si Lilia. Lalo siyang lumapit saakin.

Mejo nabilib ako sa batang ito, sige na nga.

"Okay lang ba sayo na tulungan mo ako?"

sa pagtanong kong iyon ay napatalon siya at mukhang masaya.

"okay lang po talaga"

"kailangan ko ng kaunting buhay mo"

"Osige, Osige" 

Nagulat ako sa sagot niya. Sumang-ayon agad siya? 

Napangiti ako at  nilapit ang noo ko sa noo niya at kumuha ako ng kaunting life-force nito.

"Sa darating na panahon, ako naman ang babawi sayo" 

"Inaasahan ko po yan kuya" 

Nainlove na talaga ako sakaniya simula noon. Sabi ko sa sarili ko "Ah, Siya na nga. Proprotektahan ko siya hanggang sa makakaya ko"

Well, hindi ko na talagang maiiwasan iyon. Simula kasi non ay kinupkop na niya ako at inalagaan. At ang mukha niyang "masungit at Strikto?" ay sa school lang iyon. Isa siyang Spoiled at clingy kapag nasa bahay na. Nakakadepress lang talaga tuwing hindi niya ako pinapansin kapag nasa school na.

My Lover is a Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon