The Curious Brat part 2

267 13 4
                                    

Gilbert, kuya ni Shiro hindi naman ako magtataka dahil pagkakita ko palang ng mata nito ay meron nang connection sa kaniya.

"Lahat ba ng bampira ganyan yung mata nila?" tanong ko dito habang may sinusulat siya sa sahig gamit ang chalk.

"Lahat ng bampira ganito ang kulay ng mga mata"

"May oras ba or panahon kung kailan nagbblue yung mata niyo? Minsan lang kasi nagiging blue yung mata ni Shiro" Sinilip ko ang sinusulat niya sa sahig, bilog siya na may dalawang triangle na magkabaliktad sa isa't-isa hindi pa niya tapos.

"Nagiging ganito ang mga mata namin kung naging emotional kami" tumayo na ito at nagpagpag ng kamay.

Kaya pala tuwing galit lang si Shiro ko nakikitang umilaw mata niya.

"Ano yan?"

"Magic circle ang tawag dito, Although kaya kong pumunta sa demon world ng wala ito, kailangan kong gumawa nito para masama kita" ang weird naman.

Pumunta na siya sa gitna ng magic circle at hinila niya ako papunta sa kaniya, bigla nalang umilaw yung bilog na ginawa niya at pagbukas ng mata ko nasa ibang dimension na kami na hindi ko inaakalang meron pala.

Hindi naman siya GANON na nakakatakot dahil para rin siyang earth na may mga malalaking gusali ang iba nga lang yung buwan na pula ang kulay .

"Nandito na tayo"

"Sure kang demon world 'to?"nakatulala parin ako sa buwan na parang maabot ko ito pag tinaas ang aking kamay, ang lapit.

"Hahaha, oo naman, at dahil unang beses mo lang dito maglalakad tayo papunta sa King dito."

Nasa rooftop kami ng isang gusali, hula ko ito yung pinakamataas na gusali dito. Bumaba na kami at naglakad papunta daw sa bahay ng "king".

"Ang ibig sabihin puro bampira yung nandito?" basag ko sa katahimikan habang naglalakad kami, walang katao tao ang paligid at mejo mabigat yung atmosphere.

Malakas itong tumawa, parang may nasabi akong nakakatawa.

"Bakit?" nairita kong tinanong dito.

"Wala, wala, hindi lahat bampira yung nandito, kung tutuusin nga kakaunti lang ang mga bampira, pag bampira ka, isa ka sa "Royal Family" dahil ang namumuno dito sa mundong ito ay bampira.

Aaah, gets go na. "edi merong mga werewolves dito ganun?"

"Yep, sila yung pangalawang pinakamakapangyarihan dito"

Gusto ko makakita ng table about demons dito, by rank para mas naiintindihan.

"May isa pa akong itatanong"

"Ano?"

"Bakit walang tao dito sa dinadaanan natin?"

Napatigil si Gilbert sa paglalakad nito, sumunod na rin ako.

"Hindi lahat ng nilalang dito mababait, maraming uri ng demonyo dito na kumakain ng tao"

"k-katulad ng ano?"

Tumingin siya saakin at ngumiti. "katulad ng bampira"

Hindi ko alam kung ilang segundo namuno ang katahimikan, hindi ko alam kung anong sasabihin dito.

Napatawa ulit ito ng malakas.

"Bakit ka nanaman tumatawa diyan?"

"hindi ko ineexpect yang reaction mo, akala ko matatakot ka, as expected sa napiling babae ni Shiro.

Ano ba yan, hindi naman niya kailangan sabihing "babae ni shiro" ewan ko kung compliment yung sinasabi niya dahil ako ang napiling MAHALIN ni Shiro (huehue) o Kabit dahil yung term niyang "Babae ni Shiro"

My Lover is a Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon