Ichi (1)

688 19 4
                                    

     "Prez"Nakangiting lumapit saakin si Samielle parang nahuhulaan ko na ang kaniyang pakay.

     Nakaupo ako sa table ko which is nakaharap sa table nila, ako lang yung nakahiwalay na upuan.

     Hindi ko siya pinansin, busy ako sa pagsusulat ng mga event para sa Campus Week.

     "Anong meron sa inyo ni Shiro?" Pagtuloy nito sa sasabihin niya, nakaakbay na rin siya saakin, sabi ko nga ba at ioopen niya itong topic na 'to.

     Kung nabasa niyo yung unang chapter nitong story nakita ni Samielle yung mukha ni Shiro at nakita rin niya ang paghila ko sakaniya which made her suspicious.

     Oh well, Buti nalaman niya na may "Something" kami ni Shiro.

     "EH!!!?" Pagpanic ni Jasicha, napatayo siya sa upuan niya na nakanganga, kitang kita sa nakamulat na mata niya na nagulat ito sa narinig.

     Lumapit na rin siya sa akin at inipit ako sa kabilang side, naging hamburger patty ako kung baga, tinapay si Samielle at Jasicha.

     "Kaichouuuuuu , Pakiexplain" tinutulak ng baywang niya ang braso ko,  naka tayo silang dalawa ni Samielle at silang dalawa ay patuloy na iniipit ako.

     “Kaichou” ang tawag niya sa akin,  ang sabi niya "President" ang meaning sa English nakuha niya daw  sa anime na pinapanuod niya, doon lang rin daw niya natututunan yung mga Japanese words at ang paboritong genre niya ay romance at vampire kaya inisip ko kung paano kung nalaman niyang bampira si Shiro? Iddissect ba niya ito? Hahaha Just joking, sana tanggapin niya si Shiro.

     Nagbuntong hininga ako at tumigil sa pagsusulat pero hindi pa rin ako nagsalita.

     "Sige na Lilia, habang wala pa si Shiro" pilit ni Samielle sa akin at tuluyan na siyang yumakap sa likod ko.

     Kaya pala inutusan niyang bumili ng meryenda si Shiro.

     "Kaichou"

     Minasahe naman ni Jasicha ang kaliwang balikat ko at sinamahan si  Samielle sa paglalandi sa akin.

     "Walang namamagitan sa amin" Sabay tumayo ako ng padabog at naglakad ako paalis.

     "Weeeh?" hirit pa nilang dalawa.

     "Hay nako"  ang kulit talaga nila.

     "Tapusin niyo na 'yang mga ginagawa niyo bago niyo ako intrigahin"

     "Saan ka pupunta Lilia?"

     "May kukunin ako sa storage room"

     Nagpatuloy parin ako sa paglalakad papunta sa pintuan.

     "Ate! Saglit lang hindi pa kami tapo-" BAAG! Pagsarado ko sa pintuan.

     Okay lang ba ‘yon? Hindi ko alam ang sasabihin ko, ikukuwento ko ba ang love story namin? Ah pero mahirap gumawa ng kuwento, paano kung nalaman nila na bampira si Shiro? Ayoko ring magsinungaling sa kanila.

OKAY NANDITO NA LAHAT NG KAKAININ NILA.

     May dalawa akong supot na hawak, mga juice yung una at mga biscuit at candy sa pangalawa. Medyo suspicious si ate Samielle ng utusan niya akong bumili ng meryenda, ngayon lang siya kasi nagutos magpabili ng pagkain at nakangiti pa siya, parang dapat ako umalis sa kuwartong iyon dahil may paguusapan silang hindi ko dapat malaman.

     Mga 5 na ng hapon at club activities ang sasalihan ngayon, kasabay rin nito ang meeting sa  student council.

     Pero hindi na ako sumama doon dahil sasamahan ko pa si Lilia umuwi, hindi rin naman ako interesado sa mga ganon eh.

My Lover is a Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon