Prologue

65 1 1
                                    

Authors Note:

Bunga lang to ng malikot kong Imagination.

Suggestions? Comment lang po =) Enjoy!!!

Prologue:

“Yaya Luming!” Malakas kong sigaw.

Agad namang pumunta si Yaya sa tabi ko. “Bakit po Miss Princess?”

“San mo na naman ba nilagay yung Bunny Costume ko?” Naiirita kong tanong.

“Dito ko lang po nilagay yon e … Dito po … Sa kwarto po …” Halata sa boses nito ang pagkatakot.

Pumasok si Yaya sa Malaking Dressing Room ko. “Ma’am dito ko lang po talaga nilagay yon e. Inayos  ko pa nga po iyon kanina eh. Hahanapin ko po Miss Princess. Hahanapin ko po.” Takot na sabi ni Yaya Luming sakin.

“Bilisan mo naman. Ang bagal bagal mo malalate nako sa Party ni Savannah!” Naiirita kong sabi.

Halloween Costume Party kasi ngayon ni Savannah – Ang isa sa mga Bestfriends/Sidekicks ko.

Ilang minuto pa ang lumipas at lumabas na din ito sa Dressing Room ko bitbit ang Costume at ang White Stilettos ko . “Miss Princess heto na po, pasensya na po sa paghihintay.” Nakatungong sabi nito sakin.

“Ok. Makakaalis ka na sa kwarto ko. At pwede ba Yaya. Cut your nails naman it’s so G-R-R-R-R” Maarte kong sabi.

“Sige po Miss Princess, masusunod po.” Sagot nito.

“Aba dapat lang, Pinapasweldo ka ng Daddy para sundin ang lahat ng ipag uutos ko! Lumabas ka na  nga dito, Naaalibadbaran ako sayo e! Shuuuuuuu!” Pagtataboy ko.

30 Mins. Later:

Lumabas nako ng kwarto ko. Nakapag-ayos nako ng maige.

I was wearing a Bunny Costume and White Stilettos w/ Zebra Printed Handbag.

Iyon kasi ang napag-usapan naming ng mga Bestfriend/Sidekicks ko. Akin ang Sexy Bunny Costume, kay Sahara ang Bat Girl at kay Savannah naman ang Manilyn Monroe Style.

Pinuntahan ko si Daddy sa Conference Room para magpaalam. Naabutan kong may kausap pa ito pero Whatever baka ma-late pako no! At isa pa I’m the Queen.

“Dad Gotta go! I’m going to my friend Savannah’s Halloween Party. Baka late nako makauwi. But ok lang I know you understand naman e. Bye Daddy!” Sabay halik sa Pisngi nito.

“Wait. Bat ganyan ang suot mo? Halos kita na ang kaluluwa mo!” Sabi nito sa mataas na boses.

“Costume Party nga diba? Dyan ka na nga daddy. Malalate nako e. Bye” Paalam ko at dire-diretsong lumabas ng Conference Room namen sa bahay.

Naabutan ko sa garahe namin ang personal driver ko.

“Uhm manong. Wheres my car key?” Tanong ko dito sa mataas na boses.

“Eto po Miss Princess” Abot sakin ng Susi ng Silver Mercedez Benz ko. “ Mag-iingat po kayo.” Habol paalala pa nito sakin.

“Yah Whatever!” Irap ko sa kanya.

Habang nagmamaneho ako papunta sa Venue ng party which was The Flaming Dragon Bar ay sobrang excited nako. Syempre alam kong pagkakaguluhan na naman ako ng mga Boys doon. Pero hindi iyon ang pakay ko. Kundi si Tryke Ladesma – Ang Ultimate Crush ko.

THE QUEEN MEETS THE SILENT PRINCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon