Kaagad din kaming umalis ni Yaya Luming sa bahay papuntang airport.
Hindi ko na nakausap pa si Daddy dahil busy daw ito ayon sa mga katulong naming sa bahay.
NEW YORK, U.S.A
Sa isang mamahaling Condominium muna kami tutuloy ni Yaya Luming dahil hindi pa ayos yung mga papers naming para sa lilipatan naming bahay. Inaayos pa yun ni Daddy.
Medyo naninibago pako sa klima nila. Pero kaya ko namang mag-adjust. Lagi naman akong Out of the Country last year eh. So madali na para sakin ang mag-adjust.
Grabe yung Morning Sickness ko. Gusto ko lagi ng Pizza arrrgh!
Pero kahit Preggy ako. Minemaintain ko pa din yung good figure ko. Ayoko namang magmukhang loshang pag labas ng baby ko no! I’m still the queen.
5 Months later …
I gave birth. Sobrang saya ko kasi Twins sila. A bouncing baby boy and girl.
I named them Ace Vandrake Tan Ladesma for the boy and Kim Allyson Tan Ladesma for my pretty little girl.
Yap, you read it right.
Kahit na tutol na tutol si Daddy sa paglalagay ko ng apelyido ni Tryke sa twins ko. Wala na syang magagawa. Ginusto ko, masusunod yon! I’m still the prettiest queen. Besides hindi naman ako ganung kasama para tanggalan ng karapatan si Tryke sa mga baby namin.
Dumalaw si Daddy 2 months after I gave birth. Hindi na kasi masyadong busy si Daddy dahil pure business nalang ang inaatupag nya. Natalo kasi sya last election sa pagka Senador. Pang 14 sya. Naging badluck siguro talaga ako para sa kanya. Pero okay na yon, nagbalik Business nalang si Daddy na lalong nagpayaman samin.
Magiliw na magiliw ito sa mga apo nya. At napatawad nya nadin ako.
Handa na akong ipagpatuloy ang magandang buhay ko.
Sa pagdalaw nayon ni Daddy niyaya nya nakong bumalik sa Pilipinas pero tumanggi ako.
Sinabi kong baka 4 years pakong mag-stay dito sa New York bago umuwi sa Pilipinas. Mas gusto ko munang palakihin dito ang mga bata.
And si Tryke? Luhhh Whatever, wala nakong balita sa kanya sa Pilipinas eh.
Ang huling narinig ko kina Sahara at Savannah na super bestfriends ko pa din hanggang ngayon, nagtayo daw si Tryke ng isang maliit na Law Firm sa Cavite at medyo nakikilala na daw ito.
Natigil lang ang pag-uunwind ko nang marinig kong umiyak si Baby Ace na sinundan naman ni Baby Kim. Binuhat ko si Baby Kim habang karga-karga naman ni Daddy si Baby Ace.
“Kamukhang kamukha ni Tryke itong lalaki ha.” Sabi pa sakin ni Daddy habang pinagmamasdan nya ang gwapong mukha ni Baby Ace.
Ngumiti nalang ako bilang sagot kay Daddy.
Tama naman kasi ito, maraming nakuhang Physical Features si Baby Ace kay Tryke, kagaya nalang ng tangos ng ilong at cleft chin nito samantalang sa akin naman nakuha ni Baby Kim ang pouty lips at ang mapupulang pisngi.
Na-eenjoy ko na ang pagiging Mommy sa dalawa. Katulong ko naman kasi si Yaya Luming sa pag-aalaga sa kanila eh.
Dinalaw nadin ako nina Sahara dito. OMG Sobrang iyakan ang nangyari. Hahaha
“Anak, babalik nako sa Pilipinas mamaya, sigurado kabang ayaw mong sumama?” Pagsisigurong tanong ni Daddy sakin.
“Next time nalang po siguro Daddy. Dito muna po kami ng mga anak ko.” Sagot ko naman kay Daddy.
BINABASA MO ANG
THE QUEEN MEETS THE SILENT PRINCE
Teen FictionPrincess Kaye Tan~ Rich kid, a college student who has a secret crush on Tryke Ladesma. A girl who dont believe in forever but suddenly.....