4 years later …
Wala pa ding pag-babago dito mula nung umalis ako.
Kabababa ko palang ng kotseng sumundo samin sa airport sa Mansyon namin.
Ganun pa din ito. Nag mukhang modern lang ayon sa takbo ng panahon ngayon.
Nakita kong papalabas ng bahay si Daddy.
Agad-agad namang tumakbo sina Ace at Kim para yumapos sa Lolo nila. Close na close kasi ito kay Daddy. Iniispoiled kasi ni Daddy ang kambal ko pag dumadalaw ito sa New York.
“Lolo I missed you a lot.” Sabi ni Kim sabay halik sa pisngi ni Daddy.
“Mas lalo ako Lolo Manuel.” Hindi nagpapatalong sabi ni Ace sabay yapos kay Daddy.
Lumaking bibo ang twins ko. Yun nga lang laging nag-aaway.
Iyon siguro ang namana nilang ugali samin ni Tryke na laging aso’t pusa noon. Whatever right? Basta ang sakin mahal na mahal ko ang twins ko.
“Lolo, let’s go to the Zoo po!” Yaya dito ni Kim.
“Ano kaba Baby. Kauuwi lang natin oh, magpahinga muna tayo.” Sabi k okay Kim.
“Oo nga Kim, pagod pako eh. Magpahinga muna tayo bago natin yakagin si Lolo diba Mommy?” Sabi naman ni Ace.
Pumasok muna kami sa loob ng bahay para mag-lunch.
Napaka daldal ng dalawa. Kung ano-ano ang pinag-uusapan nila habang tuwang tuwa naman si Daddy.
Pagkatapos naming mag lunch. Nagpaalam muna ako para magpahinga. Naiwan sina Ace at Kim sa Lolo nila. Naglalaro sila sa Game Room namen sa Mansyon.
Pag-akyat ko sa taas ay nakatulog agad ako.
Nagising ako nang maramdaman kong may humahalik sa magkabilang cheeks ko.
Sina Ace at Kim yon! Haha.
Ang sweet talaga ng mga twins ko.
Niyapos ko sila.
“Uhmmm Mommy! We want a baby brother!” sabay na sabi sakin ng kambal.
![](https://img.wattpad.com/cover/9275248-288-k397141.jpg)
BINABASA MO ANG
THE QUEEN MEETS THE SILENT PRINCE
Teen FictionPrincess Kaye Tan~ Rich kid, a college student who has a secret crush on Tryke Ladesma. A girl who dont believe in forever but suddenly.....