Prologue

53.4K 799 5
                                    


Napatingin si Stone sa isang envelope na inilapag ng babae sa mesa.

"What the f*ck is this?" kunot noo niyang tanong sa babae.

"That's an envelope, you idiot!" Nakairap nitong sabi.

"F*ckshit! Alam kong envelope to!" inis na sigaw niya dito. "Ano namang gagawin ko diyan?"

"Kung gusto mo kainin mo para masaya." sarkastikong sagot nito sa kanya. "Try mo kayang buksan ng malaman mo." 

Inis niyang kinuha ang envelope at binuksan ito. May nakita siyang mga certificate doon at kung ano-ano pang papeles.

"Ano namang gagawin ko dito?" naiiritang niyang tanong. Nasa ospital kasi siya dahil katatapos lang manganak ni Kylie at kasalukuyan siyang nasa cafeteria para sana kumain dahil napagod siya sa nangyare. Isa pa ay mukha siyang ginahasa sa itsura niya. (Refer to the Epilogue of the story of 'I Was Raped)  Isa pa ay pulang-pula pa ang kamay niya dahil sa pagkagat sa kanya ni Kylie. (Read the first series of this story for you to understand. Pero okay lang if ayaw niyo. Kasi more on kina Kylie & Devon ang story. Extra lang si Stone.)


Hindi nagsalita ang babae at nakayuko lang ito. Ramdam niya ang pagkabog ng dibdib niya ng makita ang laman ng envelope. There's a picture of a little girl. Nanginginig ang mga kamay niya habang tinitignan isa-isa ang mga pictures. 

"S-sino ang batang to?" Tanong niya. Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan. Nakatitig lang siya sa babae at hinihintay ang sasabihin nito.

"She is Sofia and she's 5 years old."

"B-bakit mo to pinapakita sakin?" Naguguluhan niyang tanong. Seryoso siyang tinignan ng babae.

"Dahil ikaw ang ama ng batang yan."

Parang tumigil ang mundo niya sa sinabi ng babae. Halos hindi mag sink in sa isip niya ang sinabi nito.

"T-the what?" tanong niya ulit.

"You are my Daughter's daddy, Stone Mojico"




**

Edited

#NOTOPLAGIARISM

Mojico Series 2: My Daughter's DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon