Special Chapter 3

22.8K 468 19
                                    

Angelo & Sofia's Special Chapter

After 13 Years (21 Years Old)


"Im so tired angelo." inaantok na sabi ni Sofia.

"Then sleep. Mahiga ka na dyan sa couch." sabi naman ni Angelo dito habang nasa laptop parin ang tingin niya. Napanguso naman si Sofia.

"You know I can't sleep sa couch diba?" ani nito.

Napatingin naman si Angelo sa kanya.

"Then what do you want me to do? Gusto mo bang ihatid na kita sainyo?" tanong niya.

"No. " sagot ng dalaga. Magsasalita pa sana si Angelo ng matigilan siya.

Hinubad kasi ni Sofia ang suot na sapatos. Nakasuot kasi ito ng ripped jeans tapos maluwang na puting tshirt na naman nitong hinubad.

Napalunok naman siya dahil naka sando lang ito at kitang-kita niya ang perpektong katawan nito na nagtatago sa maluwang na tshirt, pati ang dibdib nito na katamtaman lang ang laki at kitang-kita niya rin ang cleavage nito. Napalunok siya. Tatayo sana siya ng kanyang swivel chair ng pigilan siya ni Sofia. Nagulat siya ng kumandong ito ng paharap sa kanya.

"S-sofia?" nauutal na sabi niya.

"Gusto ko lang may mayakap. Para makatulog ako." sabi nito habang nakatingin ito sa kanya. "I always do this naman since were young diba?"

Tango na lamang ang ginawa ni angelo. Dahil sa totoo lang ay nahihirapan siya at hindi din siya makahinga ng maayos. Ramdam niyang ipinulupot ni Sofia ang mga braso nito sa kanya at niyakap siya. Mas lalong nahigit ang hininga niya ng pati mga hita nito ay ipinulupot din nito sa waist niya.

Ilang beses siyang napalunok at napamura sa isip niya. Sh*t! Lalake lang siya at babae ang bestfriend niya. Mapapatay siya ng tito Stone niya pag nakita sila ng ganito.

"Gelo?" rinig niyang tawag nito sa kanya. Nakikiliti din siya dahil nakasiksik ang mukha nito sa leeg niya kaya ramdam niya ang init ng hininga nito.

"Y-yes?"

"Ayoko na ulit na makita kang may kasamang ibang babae ah? And don't do stupid things lalo na dito sa office mo. Di ko rin gusto yung babaeng ka make out mo." inalis nito ang pagkakasiksik ng mukha sa kanya at napatingin dito.

"I hate it angelo. Gusto ko ako lang babae sa buhay mo, gusto ko ako lang ang humahawak sa braso mo, ako lang ang yayakap sayo at ako lang din dapat ang niyayakap mo. Naiintindihan mo?" wala sa sariling napatango siya dito.  "I'm jealous."

Doon na tumigil ang mundo ni angelo dahil sa sinabi nito. Patuloy na nag rreplay sa isip niya ang sinabi nito.

Im jealous

Im jealous

Im Jealous

Im jealous

Im jealous

Im jealous



Mababaliw na yata siya sa sinabi nito.

Mojico Series 2: My Daughter's DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon