Chapter 7

32.5K 718 9
                                    

Patapos na akong magluto ng pancake ng maramdaman kong may humihila sa laylayan ng damit ko. Pagtingin ko ay si Sofia ito. Kinukusot pa nito ang mata niya. Yumuko ako para pantayan siya.


"Good morning  baby!" bati ko at hinalikan siya sa pisngi.

"Morning mommy." Pinatay ko ang stove bago ko siya buhatin at iniupo sa upuan.

"Mommy, I already wash my face na po and nag toothbrush narin po ako."

"Very good baby." sabi ko. "I cooked pancake." kumuha ako ng pancake at inilagay ito sa plato niya. Kinuha ko ang favorite niyang chocolate & strawberry syrup at ibinuhos ito sa pancake.

"Here's your milk baby."

"Good morning bruha my friend!" napatingin ako kay Lea. Bihis na bihis kasi ito tapos may nakasukbit pa na bag sa likod niya.

"Good morning din my pretty inaanak! " at hinalikan nito sa pisngi si Sofia.

"Morning tita ganda." bati naman ng anak ko sa kanya.

"Saan ka pupunta?"

"Pinapauwi ako ni mommy dear."

"Eh, teka lang. Kailan ka pa ba nandito sa condo ko at aalis ka na?" tanong ko.

"Actually my friend. Noong isang buwan pa ako nandito. Alam mo na, inaasikaso ko ang bagong business dito ni daddy dear. Si kuya Joffer kasi nasa ibang bansa kaya ako na nag-asikaso. Kaso nga miss na ako ni mommy dear kaya uuwi na muna ako samin." paliwanag nito.

Tumango ako sa sinabi niya.

"So I gotta , o my friend. Take care of my pretty inaanak ok?"

"Oo. Alam ko."

"Geh, alis na ako. Bye pretty inaanak!"

"Bye-bye tita ganda!"

Tumayo ako saka hinatid sa labas si Lea.

"Good morning mga bodyguards ni Janine!" masiglang bati ni Lea sa mga bodyguards na ngayon ay kumakain. Hinatiran ko kasi ang mga ito ng niluto kong pancake. Kawawa naman kasi at baka hindi pa kumakain. Sa una nga ayaw nilang tanggapin. Buti nalang at napilit ko.

"Magandang araw po ma'am." bati ng mga ito samin.

"Ingat ka sa byahe." sabi ko.

"I will. Sige bruha bye and dont be harsh kay papa Stone mo ah?" pahabol pa nito bago sumakay ng kotse niya at pinaharurot ito.

Napatingin ulit ako sa dalawang bodyguards na busy kumain. Halatang gutom na gutom ah ? Kunsabagay nakakapagod din ang maging bodyguards. Hindi kaya biro yun. Loko-loko kasing Stone na yun.

"Where's my baby?"

"AY STONE!" Gulat kong sigaw saka hinarap ang nagsalita.

"S-stone?" pinasadahan ko ito ng tingin. His wearing a black pants and a white v-neck shirt. Tapos ay may mga bitbit itong mga paper bags at mga plastic sa magkabilang kamay nito.

Ang dami niyang dala ah ?

"Shocked seeing me huh?" inirapan ko naman siya.

"Where's my Sofia?" tanong niya.

"Nasa loob. Kum-

Aba ang kapal ng kumag na to? Hindi pa nga ako tapos magsalita pumasok na agad sa loob. Condo niya ba to at pumapasok nalang siya bigla?

Pumunta ako sa kusina.Nakita ko si Stone na kandong si Sofia at sinusubuan ito.

Parang may kung anong humaplos sa puso ko ng makita sila. Kita ko ang saya sa mukha ni Stone habang kaharap niya si Sofia. Lumapit ako sa kanila.

"Binilhan ko pala ng mga laruan si Sofia. At bumili din ako ng gatas niya. Kaso lang hindi ko alam kung anong brand ang iniinom niya so I decided to buy all the brands of milk."

Napanganga ako sa sinabi niya. Is he serious?

Kinuha ko ang dala niyang plastic. Marami akong nakitang naglalakihang mga kahon at lata ng gatas. Tiningnan ko ito at napatampal ako sa mukha ko.

"Tama ba ang binili ko? Alin ba diyan ang iniinom ni Sofia?"

Umikot ako at hinarap siya.

"Anong tingin mo sa anak ko? Infant pa?" kumunot ang noo niya.
Hindi niya ba gets? Gosh! Bumili lang naman siya ng mga infant milks at pang 1-2 years old na gatas.

"Huh?"

"Stone, 5 years old na si Sofia. Hindi niya na kailangan ng gatas na ganyan."

"Pero, ganyan din ang pinapainom ng kapatid ko sa mga anak niya because Kylie can't have her own breastmilk. And I think you too can't produce breastmilk."

Napasapo nalang ako sa noo ko. Pakiramdam ko ay nag-init ang magkabila kong pisngi dahil sa sinabi niya.

"Argh!" sigaw ko. "Binibreast feed ko si Sofia noong baby pa siya okay? As in noong baby pa siya!" nakita kong tumango-tango siya.

"So Sofia dont need that because you have your own milk right?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Akala ko ba gets niya na ? Hayst.

"Listen to me Stone. Hindi na nagbbreast milk sakin si sofia. Noon oo pero ngayon hindi na dahil 5 years old na siya. At hindi niya na kailangan ng gatas na binili mo dahil for infant lang yan. Wala diyan ang gatas na para kay Sofia." paliwanag ko.

"Oh, I-im sorry. I didnt know."

Nakonsensya naman ako dito. Alam ko naman kasi na gusto niya lang bumawi kay sofia.

"Dont worry. You can come with us kapag nag grocery kami at ituturo ko sayo ang dapat na gatas kay Sofia." tumango naman ito.

"So, ano ng gagawin natin sa mga ito?" sabay turo ko sa mga gatas.

"I'll donate it in orphanage. I know na mas ka-kailangan iyan ng mga bata."

Mabait naman pala siya. Pero slight lang.

"Sayang naman kasi kung hindi magagamit yan. Unless..."

Napatingin ako sa kanya at titig na titig ito sakin. Umangat ang sulok ng labi nito.

"Unless...will have another baby. What do you-- OH FUCK! It's HURT!" sigaw niya.

Dahil hinampas ko sa ulo niya ang isang lata ng gatas. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. How dare him? Buti nga sa kanya.

"Mommy, daddy. What is fuck?"

Nanlaki ang mata ko at pareho kaming napatingin kay sofia. Oh gosh! Remind me na may puputulin akong dila mamaya. Grrr!

**

Edited

Mojico Series 2: My Daughter's DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon