Chapter 25

24.6K 523 21
                                    

"Wag kang aalis. Dito ka lang sa tabi ko." napaismid na lang ako sa sinabi ni Stone. Hmp bahala siya sa buhay niya. Hindi ko siya pinansin at naupo lang sa sofa na nandito sa tinutuluyan namin na kwarto. Hindi ko parim nakikita si Sofia, ang sabi ni Stone ay kasama ito nina Devon.

"Simula ngayon wag ka ng magsusuot ng maiikli."

"Ano?!" Napatayo ako sa sinabi niya. Anong gusto niyang suotin ko? Mahabang palda? Pajama? Ano ko manang?

"Basta ayokong magsuot ka ng mga ganun lalo na ang swimsuit. Understand?" napanganga ako dahil sa sinabi niya.

"Teka, ano bang problema mo sa mga suot ko? Ano naman kung-

"I dont want other f*cking men to drool over on your body. D*mn! It's my property. I know your sexy and hot but-" napahilamos naman ito sa mukha. "Just follow me, Janine."

Wala sa sariling napatango ako. So, ayaw niya akong magsuot ng maiikli? At ano raw property niya? Lihim akong napangiti. May tinatago din palang kasweetan ang stone na to.

"Nga pala, wag ka na ding lalapit o makikipag-usap sa mga lalaki."

"Kahit sayo?" kinagat ko naman ang labi ko para pigilan ang mapa ngiti.

"Maliban sakin. End of discussion." sabi niya at lumapit sakin.  "Tara na at malapit ng magsimula ang party. By the way, pagpasensyahan mo na si Scarlett. Ganun talaga yun." tumango nalang ako. No comment ako basta si Scarlett na ang pinag-uusapan. Paglabas palang namin ay kita ko na ang sobrang daming tao. May mga nagsasayawan, nag-iinuman at kung ano-ano pa.

"Stone!" pareho nman naming nakita sina Kylie at si Devon na buhat si Sofia.

"Nakatulog na siya. Napagod sa kakalaro." sabi ni Kylie.  Lalapit sana ako ng magsalita si Devon.

"We can handle Sofia. Doon na muna siya sa kwarto namin kasama ng kambal. Just enjoy the party." ani ni Devon.

"Salamat sa pag-aalaga kay Sofia. " sabi ko.

"Walang problema Janine. Sige mauna na kami."

"Thank,s bro and Ms. Beautiful." nakangiting sabi ni Stone.

Sinundan namin sila ng tingin hanggang sa makapasok na sila sa loob.

"Tara kain tayo." yaya niya sakin.  Hinawakan niya ulit ang kamay ko at nagsimula ng maglakad. Nakakalimang hakbang pa lamang kami ng may tumawag sa pangalan ni Stone. Kahit hindi ako lumingon ay kilala ko na kong kaninong boses ito.

"Stone, kanina pa kita hinahanap. Come with me." at hinawakan niya ito sa braso.

"Im sorry Scarlett. Hindi ako makakasama sayo. Kasama ko si Janine." bumaling naman ang tingin nito sakin at pasimple akong inirapan.

"Ano ka ba, madali lang to. "

Hindi ba siya makaintindi? Ayaw ngang sumama sa kanya ni stone.

"My friends want to meet you Stone. Come on!" at hinila na mga ito ni Scarlett. Nagsalubong naman ang kilay ko. PACKING TAPE! Naagaw niya na naman sakin! Wala na akong nagawa kundi ang sundan sila.

Argh! Saan ko naman sila mahahanap nito? Bwiset! Nailayo na nga talaga sakin ni Scarlett si Stone. Napansin ko ang kumpol ng mga tao na naghihiyawan at parang may pinagkakaguluhan. Ano kaya yun? Nakisiksik ako at nakita ko ang pinagkakaguluhan nila.

Kita ko ang isang babae na nakahiga na may kagat na lime at isang lalaki na may ibinuhos na alak sa tiyan ng babae. Tapos ay dinilaan niya ito mula tiyan paakyat sa mukha nito at kinain ang lime na kagat ng babae. Naghiyawan ulit ang mga tao.
Ano bang meron sa body shot at gustong-gusto nila? Di ba sila nandidiri?

Aalis na sana ako ng mas lumakas ang hiyawan. Halos tumigil ang mundo ko ng makita ko kung sino ang gagawa ng body shot. Kita ko sa mukha ni Scarlett na natutuwa ito. Kinagat nito ang lime bago humiga. Lihim ko namang pinagdasal na sana ay hindi gawin ni Stone ang naisip kong gagawin nito.  Pero hindi. Binuhos nga nito ang alak sa tiyan ni Scarlett. Gusto kong ipikit ang mata ko pero hindi ko magawa. Kinuha lang ni Stone ang lime na kagat ni Scarlett pero bigla siyang hinila ni Scarlett at hinalikan ang labi ni Stone.

Ramdam ko ang pag-init ng mga mata ko. Gustong-gusto kong hilahin ang buhok ni Scarlett pero hindi naman ako katulad ng iba na basta na lamang sumusugod. Hindi ko na kinaya pang panoorin sila kaya nagpasya na akong umalis.






Ni hindi ko man lang makain ang kinuha kong pasta. Kanina gutom na gutom ako pero ngayon ay wala na akong gana. Mas lalo akong nawalan ng gana ng may umupo sa upuan na nasa harap ko.

"Mag-isa ka lang yata Janine? Hindi mo ba kasama si Stone?"nangingiting tanong nito. Kasama ko sana kung hindi mo lang kinuha ng basta-basta!

"Loner ka na pala ngayon. Anyway..." ang sarap niyang tusukin ng tinidor ng mawala ang ngiti niya sa labi bwiset! "You know what Janine, ang saya-saya ko tonight. This is the best day ever. Gusto mong malaman kong ano?"

Natigilan ko. Pero kahit ganun ay sinalubong ko ang tingin niya and I give her a sweet smile.

"Sorry but I'm not interested." sabi ko.

Nawala ang plastik nitong ngiti.

"Pero gusto kong malaman mo ang dahilan." sabi pa nito.

"Pwede ba, stop your drama. I know you hate me and the feeling is mutual. Ayoko kasi sa mga plastik." at nginitian ko ulit siya. Kita ko ang pagtaas nito ng kilay sakin.
"Kung wala ka ng sasabihin, aalis na ako. Hinihintay na kasi ako ng anak namin."

Tatayo na sana ako ng matigilan ako sa sinabi niya na talaga namang nakapagpainit ng ulo ko.

"Iba talaga ang nagagawa ng malandi."  dumekwatro pa ito at pinasadahan ako ng tingin. "Akalain mo yun, napikot mo si Stone at nagkaroon pa kayo ng anak? Wait... sure ka ba na anak talaga yan ni Stone? Baka naman anak yan ng ibang lalaki? I'm going to tell Stone na ipa DNA test  ang bata. You know hindi naman kam-"

"Sige, ituloy mo yang sinasabi mo. Hindi ako magdadalawang isip na isaksak itong tinidor na to sa bibig mong madaldal!" sabay tutok ko sa kanya ng tinidor.
"Kanina pa ako nagpipigil sayo. Wag kang magsasalita ng basta basta Scarlett dahil wala kang alam. Subukan mo pang lumapit kay Stone ipapatapon na talaga kita sa dagat, total bagay ka naman don! Wag mong hintayin na maubos ang pasenya ko sayo!"

Tumalim ang tingin nito sakin.

"I'm telling you, Janine stay away from my Stone. Akin lang siya."

Natawa naman ako. "Ayan, lumabas din ang tunay mong kulay." naiiling na sabi ko. "At ano yung sabi mo, Your stone? As far as I know hindi mo siya pagmamay-ari and he will never be yours. So don't full yourself Scarlett. Masakit ang umasa." mabilis naman akong tumayo.

"Wag mo akong tatalikuran. You slutty bitch! Ahh!"

"Ops sorry. Sinasadya ko." sarcastic na sabi ko. Isinaboy ko kasi sa kanya ang juice and her face is really priceless.

Pansin ko din na nagtinginan na saamin ang ibang kumakain dito sa resto. Pero wala akong pakialam. She reach my limit at hindi ko na ito palalampasin pa.

"Wait, Did you bring extra clothes? May mga basahan naman siguro dito and I'm sure bagay yun sayo." at tuluyan na nga akong umalis.

**

Mojico Series 2: My Daughter's DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon