Chapter 21

25.8K 523 12
                                    

Janine~

Magkahawak kamay kaming pumasok ni Stone sa bahay ng parents niya at buhat-buhat niya si Sofia. Hindi mawala sa labi ko ang ngiti. Ito na yata ang pinakamasayang nangyare sa buong buhay ko. Kompleto na kaming tatlo bilang isang pamilya.

"Stone! Janine!" nakangiting salubong saamin ni tita Veronica.

"Hi ma!" bati ni stone dito. 


"Hello po tita." bati ko din at bumeso dito.

"Im glad nandito din kayo. Lalo ka na my little girl!" tukoy nito kay Sofia at hinalikan ito sa pisngi.  "Nandito rin sina Devon at si Kylie. So,  its our family bonding today dahil kompleto tayo. Come on."

Pumunta na kami sa garden at kita ko ngang nandon na sila. Nang makita kami ni Angel ay agad itong lumapit samin.

"Hello my second sis in law." bati sakin ni Angel sabay beso nito sakin. "And you too my cute pamangkin." Baling nito kay Sofia at pinaghahalikan ang pisngi nito. Pero agad naman itong inilayo ni Stone sa kanya.

"Ano ba Angel? Wag mo ngang paghahalikan ang anak ko." 

"Wag ka ngang madamot! Pamangkin ko yan!" maktol naman nito.

"And she's my daughter!"

"Mag-aaway na naman kayong dalawa." naiiling na sabi ni tito Ricardo. Tumingin ito saakin. "Mukha yatang masaya ka Janine, naka score ba tong anak ko sayo? Magkakaroon na naman ba ako ng apo?"

Agad na nag-init ang pisngi ko lalo na at rinig ko ang tawanan nila.

"Sweeheart! Hayaan mo sila sa private life nila." saway ni tita dito.

"Nagtatanong lang naman ako sweetheart." natatawang sabi naman ni tito. "Pabuhat nga ako sa apo ko Stone."

"Masanay ka na sa kanila Janine. Ganyan talaga sila." napatingin naman ako sa nagsalita at nakita ko ang nakangiting si Kylie. "Masaya ako sainyo ni Stone"

"Salamat Kylie." inilibot ko naman ang tingin ko. "Nasaan si Devon at ang kambal?" tanong ko pero bigla na lamang itong tumawa.

"May nakakatawa ba sa tanong ko?" takang tanong ko sa kanya.

"Nandon ang mag-aama ko sa dati niyang kwarto. Siya kasi ang pinaalaga ko sa kambal. Ayun, stress na stress." natatawang sabi nito. Pati tuloy ako ay natawa. Hindi ko kasi maimagine kung pano magkaundagaga sa pag-aalaga ang napakaseryosong si Devon.

"Sige Janine. Puntahan ko lang sila." Tumango naman ako at agad naman itong umalis. Bigla na lamang may pumulupot na kamay sa bewang ko at pagtingin ko ay si Stone ito. Ramdam ko ang hiningang tumatama sa leeg ko.

"Hmm...you smell good babe." sabi nito. Mahina ko siyang kinurot.

"Tumigil ka nga Stone. Lumayo ka nga baka may makakita pa satin." sabi ko

"Hayaan mo sila babe." at mas isiniksik pa nito ang mukha niya sa leeg ko.

"Stone!" madiing tawag ko sa pangalan niya.

"Masama bang maglambing sa babe ko?"

"Galawang hokage ka na naman. Alam ko na yang galaw mo kaya tigilan mo ko Stone." tumawa naman ito.

"Minsan na nga lang maglambing." dagdag pa nito.

"Tse! Di mo na ko madadaan diyan."

"Hey lovebirds! Mamaya na yang paglalambingan niyo! Baka pwede namang maghiwalay kayo you know?" nakapameywang na sabi ni Angel.

"Inggit ka lang dahil wala kang lovelife." asar ni stone dito. Nag crossed arm naman si Angel at tinaasan ito ng kilay. 


"Di baleng walang lovelife, maganda naman! Hmp! " sabay talikod nito. Pareho naman kaming natawa ni Stone.


~*

So far ay masaya naman ay naging bonding naming lahat. Mas lalo ko pang nakilala ang buong pamilya ni Stone. Si tito ay napakalambing kay tita. Si Angel naman kahit na napakataray ay mabait naman at si Devon na kahit napaka seryoso ay may side din pala na makulit lalo na pagdating kay Kylie at napakasweet nito dito. Napatingin ako kay Stone na nakikipaglaro kay Sofia.

"Dad, look this is Elsa and Anna of frozen!" may hawak naman na doll si Sofia na pinakita nito kay Stone.

"How about this one?" tanong ni Stone sabay pakita sa hawak nitong stuff toy.

"Oh, that's Olaf!"

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Ngayon ko lang kasi nakita kong gaano kasaya si Sofia. Kung may hinihiling man ako, iyon ay maging masaya ang anak ko and now ay natupad na ito. Sobra ang kasiyahan nito lalo pa at kasama na niya ang kanyang ama.

"Maam Veronica,  may bisita po kayo." sabi ng isang maid.

"Sino?"

"Siya po."

Natigilan ako lalo na ng makita ko kong sino ang bisita.


"Akala ko ba family bonding ito, bakit yata may naligaw?" simpleng sabi ni Angel na patuloy parin sa pagkalikot sa phone niya.

Hinawakan naman ni stone ang kamay ko at bahagya akong nginitian.

"Hello tita & tito!" bati nito kina tita Veronica at tito ricardo. Inilibot naman nito ang tingin niya at dumapo ito saamin. Especially kay Stone.

"Hi Stone!" abot tengang ngiti nito.

"Scarlett." tawag ni Stone sa pangalan nito.



~*

"Kelan ka pa nakabalik Scarlett?" tanong ni tita. Lahat kami ay nasa sala at na kay Scarlett ang atensyon ng lahat maliban lamang kay Angel na busy sa phone niya at parang wala lang sa kanya si Scarlett.

"Last week pa po tita. Actually, pagdating ko palang dito ay pumunta agad ako sa bahay ni Stone and I spent my night there." nakangiting kwento nito.  Naalala ko tuloy yung araw na yun. Kung saan gusto ko ng sipain sa mukha si Stone dahil sa kakahintay sa kanya. Lalo na at nong makita ko si scarlett doon. Napatingin saakin si tita na may pag-aalala sa mukha niya. Pero nginitian ko ito.

"Kuya Devon, siya na ba si Kylie?" tanong ni Scarlett.

"Yes." maikling sagot ni Devon at inakbayan si Kylie.

"Balita ko may anak na kayo?" Napansin ko naman itong napatingin kay Sofia na naglalaro. "Siya na ba ang anak niyo? "

"You're wrong. She's not our daughter." sagot ni Kylie sa kanya

"So, kaninong anak siya? Dont tell me, nagkaanak ulit kayo tita?" gulat na tanong nito. Tumawa naman sina tita at tito.

"Oh, no. Hindi hija." sagot ni tita sa kanya.

"Apo namin siya Scarlett. Our first grandchild." sabi naman ni tito.

"Oh my! You mean?" bumaling ang tingin nito kay Angel. "Is that your child, Angel?!"

Ibinaba ni Angel ang hawak niyang phone at tinignan si Scarlett.

"Its totally a big no Scarlett. Dont you get it? This girl is my pretty niece, not my daughter. You want to know who's the parents?" taas kilay na tanong nito. "Anak yan ni kuya Stone at ate Janine." madiin na sabi ni Angel.

Kita ko ang pagbago ng ekspresyon ni Scarlett.

"Oh really huh? " sabay tingin nito saakin at kay Stone.

"But,  how come? Pano ka naman nagkaanak? I thought your single in the past 4 years before I go to London?"  tanong nito.

"Its a long story Scarlett. But yeah, she's my daughter. Our daughter." sagot ni Stone sabay tingin sakin at nginitian ako. Ginantihan ko din ito ng ngiti.


Bumling naman ang tingin ko kay Scarlett at nahuli kong nakatingin siya saakin. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Pero malakas ang kutob ko na may hindi magandang mangyayare...

***


Mojico Series 2: My Daughter's DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon