Chapter 16

30.1K 562 8
                                    

"Mommy, I'm sleepy." papungas-pungas na lumapit saakin si Sofia. Binuhat ko siya at inihiga sa kama. Yumakap agad saakin si Sofia at kita kong pumikit siya. Nag hum ako para madali siyang makatulog.

Nandito parin kami ngayon sa bahay ni Stone. Wala kaming dalang damit pero may ibinigay sakin na mga paper bags si Stone na naglalaman ng damit. Ang sabi niya ay saamin daw ito ni Sofia. Nang alam kong tulog na si Sofia ay bumangon na ako. Pagtingin ko sa wall clock ay 6 pm palang. Sobrang napagod kasi si Sofia sa kalalaro kanina kaya naman ay nakatulog agad siya.

Pagbaba ko palang ay nakita ko si Stone na nanonood ng TV. Umupo ako sa isa pang couch na malapit sa kanya.

"Nasaan si sofia?"

"Nakatulog na." sagot ko. Tumango siya. Hindi na ako nagsalita pa. Isang mahabang katahimikan ang namayani saamin.

"Tama nga si Devon. Masayang maging isang ama. Akala ko mahirap, hindi naman pala." napatingin ako kay stone dahil sa sinabi niya.

"Nong sinugod mo ako sa ospital, hindi ako naniniwala na anak ko nga si Sofia. But when I first see her and touch her.  Alam mo yung tinatawag nilang lukso ng dugo? Yun ang una kong naramdaman." Kita ko ang ngiti sa labi niya.

"Sa loob ng 4 years, may anak na pala ako ng hindi ko alam? Bakit Janine? Bakit hindi mo man lang sakin sinabi na may anak pala ako sayo?" Napayuko naman ako dahil sa sinabi niya.

"Sa tingin mo ba, kapag sinabi ko sayo na nabuntis mo ako ay maniniwala ka?"

"Pero sana sinubukan mo."

"Sinubukan ko Stone." natahimik siya sa sinabi ko. "Sinubukan ko, but whenever I tried, I see you with someone else. Alam naman nating dalawa kung ano ka noon." nakita kong napaiwas siya ng tingin saakin.

"Sa totoo lang, nahirapan ako sa pagbubuntis kay Sofia. Masyado akong naging sensitive sa lahat. Kahit sa mga kinakain ko. Ang hirap din kapag may morning sickness ako at ang pinakamahirap sa lahat ay ang panganganak ko. Pero sulit lahat ng pagod at paghihirap ko ng makita ko si Sofia." nakangiti akong tumingin kay stone. "Siya ang munting anghel sa buhay ko Stone."

Nakatitig lang sakin Stone. Hindi siya nagsasalita pero kita ko sa mata niya ang pinaghalong saya at lungkot.

"Thank you Stone. Dahil kahit papano ay hindi ako nagsisisi sa mga nangyare saatin noon."

Nagulat na lamang ako ng bigla niya akong yakapin.

"Sorry kung wala ako sa tabi mo noong mga oras na kailangan mo ako. Sorry kung playboy ako noon at sarili ko lang ang lagi kong iniisip. Sorry sa lahat Janine. Promise babawi ako sayo. Sainyo ng anak ko."

Napangiti naman ako at kasabay noon ang pagganti ko ng yakap sa kanya. "Salamat Stone."

***

(Flashback)

"Aattend ba tayo ng bday ni Cassie?" tanong ko kay Lea.

"Oo naman friend. Saka sayang naman non. Sikat kaya si Cassie, so I'm sure na madaming gwapo sa party niya later." kinikilig na sabi nito.

"Party ba o boys ang pupuntahan natin?"

"Of course party. Pero syempre bunos na yung gwapo." sabi nito sabay tawa kaya naman ay napailing ako.

"Wow naman friend ang sexy-sexy mo!" nakangising sabi saakin ni lea.

"Tse! Tumahimik ka nga." asar kunwari na sabi ko.

Im wearing a red halter dress and a 3 inch black high-heeled strappy sandal. Tapos si Lea naman ay nakasuot ng tube na black dress na hanggang tuhod ang haba. Tapos tenernuhan niya ito ng kulay itim din na high heels.

Mojico Series 2: My Daughter's DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon