CHAPTER 2: The Leader

22 0 0
                                    

Chapter 2:The Leader
"Lord Z,may mga bago pong salta."

"Sige mamayang gabi mo na sila i-initiate.90 degrees 8 times."Utos ko sabay tayo.

"Masusunod po Lord Z."

"Harvey,Ben,Gael,Caleb at Xander.Pupunta tayo ng mall,may ipapabili ako sa inyo."Baling ko sa mga minions ko.

"Pass ako Z.Uuwi ako sa bahay,new year na mamaya.Hahanapin ako ng pamilya ko."Sabi ni ben.Tinanguan ko lang sya at lumabas na kami ng Suffer room.

Sina Ben,Gael,Caleb,Xander at
Harvey.Mga kababata ko sila mula nung bata pa ako magkakilala na kami.Ewan ko nga ang wiwirdo nila pero sinasama ko parin sila sa mga lakad ko.

"Z,kain muna tayo sa foodcourt.Nagugutom ako." Reklamo ni Caleb "Gutom ka naman talaga palagi Caleb!"Segunda ni Gael na kinantayawan naman ni Xander

"Nagsalita ang hindi matakaw!"

See?Mga weirdo sila!Si Harvey lang ang..

"Tatlong Cotton Candy nga miss yung pink tsaka blue uy yung green din pala."Sige ako nalang pala ang matino dito!

Hindi bakla si harvey.Childish lang umasta at kumilos.

"Maghahanap lang ako ng table.Kayo na ang bahala sa order ko."Tumango ang lahat kaya naglakad na ako.Bawat hakbang ko alam kong may tumitingin sa akin.Mga BABAE,BAKLA,LALAKI.

"Bro,diba sya yung.."

"Oo wag kang magsalita kundi bali yang mga buto mo."

"Nakakatakot sya.."

"Balita ko nga nakapatay iyan."

"Talaga?Gwapo nga demonyo naman!"

"Hindi sya nakapatay.Self-defense kaya ang nangyari!"

"Ang sabihin mo CRUSH MO!"

Napahampas ako sa lamesa at tumahimik ang buong paligid.

"PWEDE BANG MAGSITAHIMIK KAYO?!!!LINT*K!"Galit na sigaw ko.

"Friend diba si Z yan?Yung frat leader na pumatay kay...

'OH MY GOD!'

'NAKAKATAKOT SYA!'

'UMALIS NA TAYO DITO!'

Yan ang iilan sa mga reaksyon ng mga tao sa loob ng kainan.Kahit sekyu kilala ako dito,takot din sa akin.Sinuntok ko kasi ang babaeng yun.Kahit sila Caleb at yung iba hindi nakapigil sa akin.

*SLAP!*
"WALANG HIYA KANG HAYOP KA!SINUNTOK MO ANG KAIBIGAN KO ANONG KLASE KANG LALAKE?!" napa-singhap ang lahat ng tao sa loob ng kainang iyon.Tila ba nagbabanta ang bawat hininga nito sa babaeng gumawa ng kalapastanganan sa akin.

"Z...."Sambit ng mga kasama ko..

Hindi ko alam ang naging reaksyon nila dahil mas tinitigan ko pa ang babaeng iyon.

Ngumisi ako..Ngising nakakakilabot.Tingnan ko lang kung hanggang saan ang tapang mong babae ka.

"What a brave creature.." malamig kong tugon sa kanya.

Napaatras sya ng dalawang hakbang.Tila ba nakikilala na nya ako.Kung noong una'y galit sya,napalitan iyon ng takot.

"Akala ko ba matapang ka?Asan na ang tapang mo ngayon?Gusto mong ikaw ang isunod ko sa hukay?" pananakot ko at pinatunog ang kamay ko..

"H-hindi ak-ko natatakot sa i-iyo.." pautal-utal nitong sagot pero salungat naman ang nakikita ko.

"Z..Wag kang mag eskandalo dito.Maraming tao."Pigil sakin ni Gael habang hinahatak ang bisig ko para lumayo.

"Magbabayad kang babae ka..Ipapahanap kita at humanda ka sa magiging kabayaran ng ginawa mo."Kalmado kong wika at tinapik-tapik ko ang balikat nya..

Lumapit at tiningnan sya sa mata..Sabay bulong sa tenga niya..
"Hide for your life..." Sabay talikod.

"ALEXIS!"Tawag nang isang babae

"KYRA :'( "Niyakap nung babaeng pinagbantaan ko na nagngangalang ALEXIS yung Kyra.

"Ba't ka umiiyak?Nasaan si Hershey?"natatarantang tanong ni trisha

"Nasa ospital na.Umalis na tayo dito trisha,inaatake na ako ng asthma ko huhu :'( "Hagulgol nung alexis at umalis na ang dalawa.

"Z,diba si---" I cut him off by raising my hand a sign for him to stop talking..

"I know.We found her.I need to get her.Make sure na hindi makakatakas ang alexis na iyon,kailangan natin sya."

I found you Kyra.Checkmate,YOU ARE MINE.

I'm Inlove With A Fraternity LeaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon