Chapter 7: Walang Iwanan!

348 3 2
                                    

[Kyron's POV]

Bukas na ang election...

Ilang araw narin akong nakikipag-kompetensya kay Denisse, na hindi naman niya alam na nakikipag-kompetensya pala ako sa kanya. Saklap lang =.="

Gumawa ako ng mga buwis buhay na stunts para dumami supporters ko.

Bumuga ng apoy - check 

Lumakad sa isang lubid na nakatali sa ibabaw ng building - check 

Tumalon sa rooftop patungo first floor - check

*sigh* ginawa ko na 'yan =.=" . Pero yung resulta...

*sigh*

PALPAK lang 'yung pagkagawa ko ng mga stunts na 'yun. Tsk.

Nandito kaming anim sa rooftop ngayon, malamang, nagcu-cutting kami. Lulubos-lubusin ko na lang 'yung pagkakataon bago pa ako maging president sa paaralang  'to. o ha! taas ng confidence level ko no'.

Aba dapat lang tumaas confidence level ko no, dahil ako lang naman ang tumakbo sa isang election na gumagawa ng  isang no scratch that ng mga buwis buhay na mga stunts.

Akalain niyo 'yun buhay pa'ko kahit puro palpak 'yung pagkagawa ko sa mga stunts na 'yun. (*.*)b.

May nagbukas sa pinto ng rooftop at iniluwa ang pagmumukha ni bruhildang Leisa at Alysa.

"Tama nga ako't nandito 'yang mga bakulaw'ng yan sa rooftop." sabi ni Leisa kay Alysa 

"oh. ano naman ginagawa nyo dito?" - Keith 

"Bakit may rule ba dito na kayo lang ang pwede pumunta dito sa rooftop?" - Leisa 

"Bakit may sinabi ba'ko?" - Keith

Sige Keith, barahin mo 'yang bruhang 'yan.

Inirapan lang niya si Keith.

"Ano pala ginagawa niyo dito?" tanong ni Alysa sa'min 

"nagcu-cutting, hindi ba obvious?" pambabara ni Keith. ewan ko ba sa taong 'toh kahit sino lang ang binabara. tsk.tsk.tsk 

"Ganyan ba ang ginagawa ng isang candidate ng student council president?" - Alysa 

"Nilulubos ko lang 'yung oras ko bago ako maging President ng school na'to" - ako 

" Wow ha!!! taas ng confidence level!" - Leisa 

"Okay! sabi mo eh." - Alysa

Akala ko rereact din itong si Alysa katulad ni Leisa pero, ang dali pala nyang kausap =.=, mabuti nalang.

"eto oh." sabi ni Leisa sabay lahad ng isang bond paper. 

"ano naman 'to?" tanong ko

"Ano bang problema dyan sa utak mo? tanong ka ng tanong, obvious naman kung ano 'yan." - Leisa. Bwisit talaga nitong babaeng 'toh

Sinamaan ko lang siya ng tingin. <.<

"Schedule 'toh para bukas sa election." - Alysa

Kinuha ko yung papel kay Alysa, tapos binasa ko.

Speech???

"ano naman tong speech?" tanong ko.  

"WHAT??? Hindi mo alam kung ano ang speech? GAHD!" - sabat naman ni Leisa. 

"Tumahimik ka na nga lang dyan, kanina ka pa ah. Tsaka tatanungin ko ba kung alam ko, SHUNGA lang." - ako 

"Tss."- Leisa 

B O Y S     vs.   G I R L S   [o n g o i n g]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon