Chapter 22: Supporting character lang akoooo~!

21 1 0
                                    

[Keith's POV]

AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!

Ano nalang ang gagawin ko???? NOOOOOO~

Malapit na ang pinaka hihintay kong school festival sa Stanford. Wohoooo~

Ano nalang ang gagawin ko? Ano kayang activities ang sasalihan ko?

So many choices... wahihihihi.

Hoy, ganito lang ugali ko, pero sumasali ako sa lahat ng mga activities sa school no (Well, except lang sa academic activities OUT nako dyan)

"Denisse what are the activities this festival?" - Leisa.

=.=" Sasali ata tong babaeng 'to. Pero hmph, matatalo ko siya. Hindi niya ba alam na ako ang (hindi naman sa pagmamayabang *ahem*) ang pinakamagaling at pinaka talented pagdating sa mga search search na activities. Psh...

Ayyy sandali lang... Ba't dumating na tayo sa part na'to? Hindi pa nga tapos yung away away part laban sa mga Crayford na students. Oh sige, since mabait ako *ahem* ipe-playback ko para lang sa'iyo. ^_____^

*** Throwback Time ***

Oh ha! Sumasali na rin ako sa mga trending trending na 'throwback' ngayon bwahahahhahha...

Ok. seryoso na!

Nung pagkadating ko sa Stanford... Aba malamang yung labas malinis... Ewan ko lang kung ano na ang nangyari sa loob... Mag-imagine na kayo ng advance... Dali~

"AHHHHHHHH!!! WHAT THE HELL? PWEDE BA? YUNG LABAS NALANG NG SCHOOL YUNG GULUHIN NIYO? HINDI BA HALATANG MAY INTERVIEW KAMI DITO? ANO'TO BASTUSAN LANG?!" obviously si Leisa 'yun. May iba pa ba? =.="

Gaga ka talaga Leisa. Hindi ba obvious na puntirya talaga nila yung interview? Psh.

"HOY!!! Mga gag* kayo ah! AHHHHHHH~~~" - Kyron... Si Ky naman, go lang ng go~

Wait lang guys 'ah... I'll just make it clear... Nasa labas pa ako ng building... Tapos ewan ko kung silang lima nandun na sa crime scene, basta ang alam ko nandito pa ako sa labas ng building. Remember niyo yung last chap? Iniwan kaya nila ako. Mga walang hiya lang. Pero hindi ako yung klase ng tao na nagtatanim ng galit. Mabait ako 'eh (Secret lang natin 'to (-3-)b )

Ba't ko alam si Kyron yung sumigaw at si Leisa yung nagsalita kanina? Logically, (charot may logically logically pa ko ha) malakas yung boses nila. Seryoso, malakas talaga. AS IN! O.O

Pumasok na ako... Sa building, malamang. Alangan naman pumasok ako sa room ng hindi pa nakapasok sa building, shunga lang.

Bago pa ako nakarating sa room ng crime scene, may nakita akong babae. Totoo, babae talaga, hindi mumu. Bakit ko alam? Hindi bukas yung third eye ko 'eh, at kung  bukas man yun, pipilitin kong isara yun 'no, takot ko lang makakita ng mumu. (Pwede ba yun?). Hindi siya studyante dito. Ba't ko alam? Scanner kasi tong mata ko 'eh 

Malalaman ko agad kung studyante ka ba sa Stanford oh hindi...

De jowk lang. Hindi kasi siya naka uniform 'eh, tapos wala siya dun sa room, tapos hindi naman mukhang takot yung mukha niya. Mukha nga siyang masaya 'eh. Wait. 

Masaya? Ba't siya masaya? Don't tell me, isa siya sa gustong sumira sa interview ng girls.

O.O!!! Imposible, babae lang siya. Baka nga kung siya yung sisira ng interview, bago pa niya simulan yung kanyang plano, baka ma-bwisit na 'yan siya sa kay Leisa.

Makapunta na nga lang sa room... Nung pagpasok ko. Wala na, tapos na ang laban. Nakahiga na yung mga bwisit na nanira ng interview. =.=" Hindi man lang ako nakasuntok. 

B O Y S     vs.   G I R L S   [o n g o i n g]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon