Chapter 1 The Reason

169 4 4
                                    

Kabanata I :

" Ang Simula"

Ang lahat ay nagkakasiyahan sa selebrasyon para sa mahal na tagapagmana sa kanyang unang taon. Sa unang tingin aakalain mong itoy isang karaniwang selebrasyon ng mga mortal, ang hindi alam ng iba nakikisalamuha na sila sa mga nilalang na kung tawagin ay Montrals. Sila'y kakaiba sa mga tao, nababago nila ang kanilang anyo mula sa pagiging anyong tao hanggang sa isang mabangis na hayop na Lobo.

Daang taon na ang nakalilipas kung saan namuhay ng tahimik ang mga Montrals kasama ang mga tao. Itoy matapos magwakas ang digmaan nila mula sa mga Rebecans, silay mga rebeldeng montrals na ang nais ay makuha ang trono sa tagapagmana sa mga panahong iyon.

"Maligayang pagdating Rodrigo, ikinagagalak ko ang iyong pagdating" bati ni Sebastian, ang Kasalukuyang Pinuno ng mga montrals

"Salamat at ikinagalak mo. Dahil ito na ang huli nating pagkikita" sarkastikong sagot ni Rodrigo.

"Anong ibig mong sabihin?" gulat ang ekspresyon ng pinuno.

"Dahil ito na ang iyong kamatayan." Agad na nagpalit sila ng anyo at naging lobo naganap ang isang madugong labanan ng mga oras na iyon. Maraming kasama si rodrigo na mga kaalyado nya kung kayat isang di inaasahan na labanan ang naganap ngunit sa huli umatras rin ang grupo ni rodrigo at agad na nilisan ang lugar.

Matapos ang labanan kinain ng katahimikan ang buong paligid. Ang mga natirang buhay ay tulala sa buong paligid, pinagmamasdan ang kahindik-hindik na nangyari pati na ang mga namatay na nakahandusay sa sahig. Iilang montrals lamang ang nabuhay at ang lahat ay namatay maging ang mga inosenteng taong dumalo sa pagdiriwang.

"Ang mahal na pinuno namayapa na! Ang lahat ay magbigay pugay!" Sigaw ng lalaking unang nakakita sa patay na pinuno. Ang bawat montrals na nakarinig ng sigaw na iyon ay isa-isang lumuhod at idinampi ang noo sa sahig at sabay-sabay na binanggit "Sumainyo ang kapayapaan mahal na pinuno"

***************************

"Nasaan si Jaime?" tanong ni Marcus, ang isa sa mga konseho.

Nagkatinginan ang lahat, sumasalamin sa bawat isa ang pangambang kanilang nararamdaman..

"Ang Tagapagmana nawawala! Si Jaime nawawala mahal na unang konseho" sigaw ni Selya ang tagapag-alaga sa tagapagmana. Patuloy ang pag-iyak nito habang sinasambit ang " patawarin nyo po ako unang konseho hindi ko nagawang ingatan ang mahal na tagapagmana."

"Patayin ang pabayang babaing iyan" galit na utos ni Mikael ang pangalawang konseho.

"Huwag, hindi nya kasalanan ang mga nangyari, marahil may kumuha kay Jaime hanapin nalang natin siya" ma-otoridad na sabi ni Marcus

"Dennis silaban mo ang bahay na ito siguraduhin mong masusunog ang lahat at kayoy magsi-alis na sa lugar na ito at panatilihin nyong lihim ang mga nangyari katulad ng sinasabi ng ating batas walang sinuman ang maaring makaalam ng ating pagkatao magdudulot lamang ito ng malaking kaguluhan" seryosong tagubilin ni Marcus sa mga montrals na naroon.

Sinunod naman ng mga montrals ang utos ni Marcus at agad na nilisan ang lugar.

*********************************************

Kasalukuyang nasa Bulwagan ng Konseho ang mga Montrals at pinag-uusapan ang naganap na labanan at ang pagkawala ng tagapagmana

"Ngunit paano ang tagapagmana? Saan natin sya hahanapin. Siya lamang ang may basbas upang pamunuhan ang ating angkan?" tanong ni Mikael

"Hindi tayo titigil hanggang hindi natin sya mahanap may katangiang angkin ang tagapagmana na naiiba sa mga tao at maging sa atin kung kayat matatagpuan din natin sya" malakas ang paniniwala ni Marcus na mahahanap rin ang tagapagmana.

WEREWOLF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon