Chapter 5 The Revelation

33 0 0
                                    

KABANATA V

ANG KATOTOHANAN

"Tol kamusta si Hannah? mukhang nagkakamabutihan na kayo ah." pagtatanong ni Roel nang ipasa nya ang bola kay khalil kasalukuyan sila ngayong naglalaro ng paborito nilang sports ang basketball sa isang open court na malapit sa bahay ni Khalil.

"Anong nagkakamabutihan ?" sagot ni khalil na may halong ngiti sa kanyang mga labi.

"Asus.!!! magde-deny pa ei! Its actually obvious sa mga kinikilos mo!" saad ni Roel na may halong pang-aasar.

"Ang deny?" tanong ni Khalil na hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa ren nawawala ang ngiti aa kanyang mga labi.

"Ako ata niloloko mo ei. lahat ng sasabihin ko itatanong mo kung anong ibig sabihin. ano ako diksyonaryo?" natatawang sagot ni Roel.

Habang naguusap ay patuloy pa ren ang kanilang paglalaro.

"Siguro in-love ka na nuh?" pang-aasar ni roel. "tingnan mo nga sarili mo. kanina ka pa nakangiti ei. pasalamat ka nageenjoy akoy pagbigyan ka kung hindi. tambak na ang lamang ng score ko sayo."

Bigla namang napatigil si Khalil sa sinabi ng kaibigan. "Anong nakangiti? sinong nakangiti? hindi naman ah" pagdedeny ni khalil sa kaibigan.

"Sus deny ka pa! tigil na nga tayo! pagod na ko! magshare ka nalng tungkol sa inyo ni Hannah." At tumigil na sila sa paglalaro habang papalapit sila aa bench na kinaroroonan ng kanilang mga gamit. Bigla na lamang may kung anung bumagabag kay Roel.

"Roel tingnan mo may mga taong papalapit sa atin. ang wierd lahat sila nakaitim" pagtawag ng pansin ni khalil sa kaibigay. At nang lumingon si Roel napagtanto nya na tama ang kanyang hinala.

Papalapit na ang mga taong kanina ay natatanaw nila mula sa malayo. Hindi mapakali si Khalil. Alam nyang sila ang sadya ng mga taong iyon sapagkat papalapit ito mula aa kanilang kinaroroonan. "Khalil kahit anong mangyari kapag sinabi kong takbo ! tumakbo ka!" pagbibilin ni Roel aa kaibigan.

"Bakit ano bang nangyayari? kilala mo ba sila? nakaaway mo ba sila?" pagtatanong ni Khalil.

"Basta sumunod ka nalang! " sigaw ni Roel habang hindi inaalis ang matalim na sa mga paparating.

"Hindi! hindi ako aalis! kung makikipagsuntukan tayo game ako!" sagot naman ni Khalil sa kaibigan.

Napalingon nalang si Khalil sa ingay na dulot ng mga taong iyon. Nagulat siya sa kanyang nakita! Mga taong nagpapalit ng anyo at nagiging isang mabangis na lobo. Hindi alam ni Khalil ang gagawin siya ay nabalot ng kaba at takot nangiginig ang kanyang katawan sa labis na pagkagulat.

Samantalang ang mga taong iyon na ngayon ay anyong mababangis na lobo ay tila naghahamon sa paglabas ng kanilang matutulis na pangil.

Susugurin na ng isa sa kanila si Khalil ngunit laking gulat rin ni khalil nang makitang pati si Roel ay nagbago ren ang anyo. Siya ang naging lobo na ren. "Roel?-.." hindi na naituloy ni khalil ang sasabihin ng tuluyan syang sugurin ng kanilang kalaban "Ahhh!!!" sigaw ni khalil ng papalapit na ito kasabay ng kanyang pagpikit. naghihintay sya sa maaaring mangyari.

Sa kanyang mahabang pagpikit ikigulat nya na wala man lang anong bagay na dumapi sa kanyang katawan na inaasahan nyang makakasakit sa kanya. Iminulat nya ang kanyang mata at doon nasaksihan nya ang labanang nangyayari isa laban sa lima. Hindi niya maatim na pagmasdan iyon sapagkat nakikita niyang nahihirapan ang kanyang kaibigan.

Gustong tulungan ni khalil ang kaibigan ngunit wala siyang magawa. hindi niya kayang sagupain ang mga lobong iyon. Nakikita nya ang kalagayan ni Roel na pilit lumalaban at nahihirapan.

WEREWOLF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon