Kabanata III:
"Ang Bagong Anyo"
Bumukas ang pinto ng C.R. at nakapasok si Roel.
"Lumayo ka Roel!" sigaw ni Khalil sa kaibigan, Kinakabahan ang huli sa kung ano mang magiging reaksyon ng kanyang kaibigan,
"Ano bang nagyari sayo? Bakit bigla ka nalang nagtatatakbong palabas sa klase kanina?"nalilitong tanong ni Roel.
Nakaharap sa salamin at nakapikit pa rin si Khalil sa mga oras na iyon. Naguguluhan siya kung bakit wala man lang reaksyong ang kaibigan nya sa kanyang anyo.
"Hindi ka ba natatakot sa akin!!!" pasigaw na tanong ni Khalil nang humarap ito kay Roel.
"Bakit naman ako matatakot sayo? Ano bang nagyayari sa iyo bakit ka nagkakaganyan?"nalilitong tanong ni Roel
"Bulag ka ba? Hindi mo ako nakikita? Halimaw ako Roel, halimaw!" galit na sagot ni Khalil sa kaibigan.
"Anong pinagsasasabi mo?, hindi ka halimaw, tingnan mo nga ang sarili mo!"Hinawakan ni Roel ang braso ni Khalil at pilit na iniharap ito sa salamin.
Laking gulat ni Khalil nang makita ang kanyang sarili, wala ang kanyang inaasahan na makikita, isang normal na tao ang kanyang nakikita.
Ngunit hindi,papanong..-
Tinatanong ni Khalil sa sarili nang biglang inagaw ni Roel ang kanyang atensyon.
"Khalil. Anu na? magsalita ka nga! Anu bang nagyayari sayo?"noon lamang nakabalik sa sariling gunita si Khalil.
"Ah?, wala . wala-" naguguluhan pa ren si Khalil sa mga nangyayari. papaanong nagbalik ang kanyang taong anyo.
"El, tara na. balik na tayo sa klase"pagbabago ni Khalil sa usapan.
"Pero Khalil-"hindi na natapos pa ni Roel ang pagtatanong ng hilahin sya ng kaibigan palabas ng C.R.
"Hey, Khalil stop it! Ok babalik na tayo ng klase pero itigil mo na yang kakahila mo sa akin! Nagugusot na yung suot ko" inis na inis na si Roel kakahila ng kanyang kaibigan.
Tila natahuan naman si Khalil at binitiwan ang manggas ng polo ni Roel,
"Ok Fine, sorry ang dami mo kasing tanong ei."pagsosory ni Khalil sa kaibigan.
Pagpasok ng magkaibigan sa kanilang klase nakatingin sa kanila ang lahat na may halong pagtatanong sa mga mukha nito. Hindi na lang nagsalita sina Khalil at roel at agad na tumungo sa kanilang upuan.
Pati ang kanilang teacher ay nagugulat rin sa kanilang mga inaasal. Pero dinedma nalang sila ng huli.
"Mr. Khalil De Guzman,prepare your valedictory address. Ok class that's all for today. You are now dismissed.'.Paalis na ang kanilang teacher nang tinatawag nito ang atensyon nina Khalil at Roel "Mr.De Guzman and Mr. Miel follow me at my office now".
**************************************
"Whats happened to both of you? Why did you run out of my class?"galit na tanong ng teacher kina Khalil at Roel.
Nasa faculty office sila ng mga oras na iyon. Sinesermonan sila sa kanilang ginawa during the class.
Sa huli nakalusot naman sila. Idinahilan nalang ni Khalil na may emergency call sa kanya at kailangan niya itong sagutin. At si Roel since nagpaalam naman siya nung lumabas siya ng klase hindi na siya gaanong tinanong.
*************************************
Dumaan ang mga araw, nagpapasalamat si Khalil at hindi na naulit pa ung nangyari sa kanya noong nakaraan sa C.R.Naging busy na rin sya sa pagpapraktis para sa kanilang graduation.