Kabanata II:
" Ang Tagapagmana"
Pagkaraan ng 10 taon
"Tok, tok,, Khalil Its me your dad"
"Come in dad," pumasok na sa loob ang kanyang ama.
"I have something to tell you Khalil"
"What is it Dad?"
"Im sorry I didn't come on your birth day party last week Im really sorry Im busy that time."
"Ok lang po yun dad, not a big deal at all"
"Sige anak, tulog ka na. alis na ko"
Umalis na ang tatay niya ngunit hindi pa rin makatulog si Khalil. Nakakaramdam sya ng pagka-uhaw pero kapag iinom sya ng tubig wala pa ring pagbabago sa nararamdaman nya. Hindi nya rin alam kung bakit pero ang init ng pakiramdam nya.
Lumabas sya ng balcony ng kanyang kwarto para magpahangin at dun nakita nya ang maliwanag na bilog na buwan, mas lalo pang tumindi ang kanyang nararamdaman, hindi nya na kaya ang init na nararamdaman,
Pumasok sya sa loob ng kwarto at dumiretso sa cr para maghilamos, ang init ng kanyang pakiramdam ay nadagdagan ng pagkahilo. Tumingin sya sa salamin at nakita nya ang paiiba ng kulay kanyang mga mata.
Nagugulantang na si Khalil sa mga nangyayari hindi nya makontrol ang kanyang sarili. Hanggang sa lumabas sya ulit sa balcony.
Doon naramdaman nyang humaba ang kanyang mga kuku nasaksihan nya ang pagbabago ng kanyang balat, ang mga balahibong unti-unti tumutubo sa kanyang katawan.
Nararamdaman nya rin ang paglaki ng kanyang mga katawan dahilan upang mapunit ang suot nitong damit. Napasigaw siya ng Malakas "Ah!!!!" at tumalon siya mula sa balcony.
Walang patid ang kanyang pagtakbo sa kanilang hacienda. Hindi nya makontrol ngunit ang katawan nya ay tila kusang gingawa ng mga bagay na iyon.. Nagtatatakbo sya hanggang sa marating nya ang pinakamataas na lugar.
Nang marating nya ang pinakamataas na lugar, napasigaw siya sa sobrang emosyon,
"Awooooooh!!!!"
"Awooooooh!!!!"
"Awooooooh!!!!'
Hindi nya alam ngunit parang may naramdaman syang luha na tumulo sa kanyang mga mata.Matapos iyon, unti-unti siyang naghina. At nawalan ng malay.
********************************
"Ngayon ang nakatakdang pagpapalit anyo ng tagapagmana."sambit ni Miranda Habang ang lahat ay nasa Konseho at naghihintay ng pagbilog ng buwan
"Tama, Miranda. Panalangin ko na maging madali para sa kanya ang kanyang pagbabagong anyo."saad ni Rio.
" Sanay matanggap nya rin kung sino talaga sya." May pangambang saad I Marcus.
"Ngunit bakit hindi Marcus?" tanong ni Miranda.
"Dahil hindi nya Alam kung sino siya"sagot naman ni Marcus.
"Huwag kang mag-alala Marcus, Ibibigay ng tadhana ang daan patungo sa kanyang tunay na katahuan"sagot naman ni Miranda.
"Wag nyo syang pilitin kung ayaw niya, hindi natin siya kailangan nakayanan naman nating tumayo ng wala siya!" inis na sabi ni Simon.
"lapastangan ka!" galit na sigaw ni Marcus. "Hindi mo naiintindihan ang iyong sinasabi, kung wala ang tagapagmana wala rin tayo. Nakabigkis ang ating kalakasan sa kanya"
Hindi na nakapagsalita pa si simon ang lahat ng mga mata sa loob ng Bulwagan ng konseho ay nakatingin sa kanya ng matalim.
"Ahoooooo!!!!"