KABANATA VI
ANG PAGBABALIK
(A/N: pasensya medyo boring tong chapter pero kailangan talaga maitawid ei. importante kasi. hahaha.. pasensya rin medyo malalim yung ibang words. hahaha.. mga matatanda rin kc yung character.)
Dalawang araw na ang nakalilipas ngunit hindi pa ren gumigising si Roel mula sa pagkawala ng kanyang malay. Nag-aalala na si Miranda maging ang kaibigan niyang si khalil.
"Kamusta na po siya tita" tanong ni khalil kay Miranda.
"Hindi pa ren siya gumigising khalil" sagot ni Miranda.
"Ikaw na ba iyan Roel! natutuwa ako at nagkita tayong muli" saad ng lalaking dumating at bigla na lamang niyakap si khalil. Nagulat si khalil sa ginawa ng lalaking iyon. na sa itsura ay halatang kasing edad lang ni khalil
"Tita kamusta?" bati naman ng lalaking iyon kay Miranda.
" Salamat naman at dumating ka Aris" sagot ni Miranda. "Ngunit nagkamali ka hindi siya si Roel siya ang tagapagmana" dagdag pa ni Miranda.
Nawala ang ngiti ni Aris sa tinuran ni Miranda. "Nagbalik na siya? Alam nya na ba kung sino siya?" makursyosidad na tanong ni Aris. "Oo Aris" sagot naman ni Miranda.
" Tagapagmana pagpatawad nyu hindi ko alam" saad ni Aris kay Khalil
" Wala iyo ikaw naman magkasing edad lang tayo ang galang galang mo naman!" sagot naman ni Khalil.
"Aris bro!" inabot ni Aris ang kanyang kamay kay khalil at kinamayan naman ito ng huli.
Naging magaan ang loob ni Khalil kay Aris dahil naging mabait ito sa kanya katulad ni Roel may pagkamakulit din ito.
" Tita nasaan nga pala si Roel?" pagtatanong ni Aris
" Iyon nga ang gusto kong sabihin sayo ngunit hinintay ko muna kayong matapos mag-usap ng tagapagmana" sabi ni Miranda.
"Bakit anu po iyon Tita"
" Si Roel ay wala pa ring malay hanggang ngayon. ginamit niya ang kanyang kapangyarihan para tulungan ang tagabantay ngunit hindiniya kinaya" pagpapaliwanag ni Miranda.
Nakikinig lamang si khalil sa paguusap ng dalawa. "Ganoon po ba tita? anu pang gingawa naten dito? tara na sa kwarto nya. susubukan ko siyang pagalingin" saad .ni Aris.
At tinungo na nila ang silid ni Roel kung saan wala pa ring malay ang huli. Agad itong nilapitan ni Aris. Inilagay ni Aris ang kanyang palad sa noo ni Roel. Mula roon sinimulan nang gamutin nk Aris si Roel.
Si Aris ay mula sa angkan ng mga Sandoval ang kanyang ama ay si Rio isa sa mga konseho. Ang kapangyarihan ng kanilang angkan ay ang manggamot. Nalulunasan nila ang anu mang uri ng sakit maging ito ay sugat o karamdaman.
Nang matapos si Aris sa kanyang ginagawa. unti-unting bumukas ang talukap ng mata ni Roel na ang ibig sabihin siya ay nagkamalay na..
" Aris? " saad ni Roel ng kanyang makita ang huli.
"Ako nga Roel! long time no see" sagot naman ni Aris
"Bumangon si Roel sa kanyang paghiga at niyakap ang kaibigan na matagal na niyang hindi nakita.
Lumingon naman si Roel sa kinatatayuan ng kanyang ina at ni Khalil. "Mommy, khalil ! Anong nangyare?" pagtatanong ni Roel.
"Nawalan ka nang malay nang gamitin mo ang kapangyarihan mo para tulungan ako!" sagot ni Khalil.