chapter 33Edmund's Pov
"Oy Jacob, bakit kailangan pa natin hanapin si Vince eh babalik din naman yun"pagrereklamo ko
hindi naman kasi maliligaw dito si Vince dahil ilang beses na sya nakapunta dito
"Haha namimiss mo na ba kagad yung gf mo?Wala pang 3 minutes nung nahiwalay ka sa kanya ah"natatawang sabi nya at dahil dun naramdaman kong bumilis yung tibok ng puso ko
Sh*t bakit ganun?Ayoko talagang mahiwalay kay Lavander haha
Mahal ko na ba talaga sya?Pero hindi ba masyadong mabilis?
"Haha naman!Syempre gusto ko palagi kasama yung girlfriend ko"pagsasabi ko naman ng totoo
alam kong hindi ko sya totoong girlfriend pero aaminin ko mahal ko na nga talaga sya
"Ayun Ay!Haha Girlfriend mo nga ba talaga?"
Huh?
'Wag mo sabihing alam na nya na Fake lang ang relationship namin?
"Jacob, anong ibig mong sabihin?"kinakabahang tanong ko
"Hahaha siguro naman hindi mo Fake girlfriend si Lavander 'di ba?"tapos ngumiti sya ng nakakaloko
tsk.bukod sa mahilig syang mag-prank eh magaling din sya magbuking ng mga sikreto pero syempre hindi uubra sa'kin yun
"Bakit?Wag mo sabihing may gusto ka sa Gf ko, Jacob?Off-limits na sya haha"tapos tinignan ko sya ng masama pero hinampas lang nya ako sa likod at tumawa
=_=
Nang-aasar ba sya?!para san yung tawa na yun?
"Ayun!Nakita rin natin si Mr.Walkout hahaha"tapos nagmadali syang pumunta kay Vince at ginulo-gulo yung buhok nito
"Haha bakit ka ba umalis kanina pre?"tanong ko pagkalapit sa kanila
"Tss It's none of your business"masungit na sagot nya sabay lakad palayo sa amin
Hahaha kaya hindi nagkaka-gf eh kasi ang sungit
"Dude!Racing tayo haha tignan natin kung matatalo mo na ako"panghahamon nya kay Vince
"Oy Jacob!Sali ako sa racing nyo aba!"sigaw ko sabay lapit sa kanila
"Haha baliw ka ba?Champion ka nung highschool sa Track and Field kaya 'di ka pwede sumali sa Racing namin ni Vince"tapos um-action pa siya na tinataboy ako
-_-
"Tss bakit hindi na lang kaya kayong dalawa ang mag-racing?Kayong dalawa ang may gustong tumakbo edi kayo na lang. 'Wag nyo akong idamay"nakakunot-noong sabi naman ni Vince
"Haha mas masaya pag tayong tatlo ang nag-racing!Tara na"excited na sabi ko sabay puwesto na
"Sige na nga ang kulit mo eh haha narinig mo ba yun, Vince?Kasama ka sa Racing!"tapos tinapik-tapik pa ni Jacob yung balikat ni Vince
"Tsss Damn it.. you guys know that I'm not good at running, right?It's not fair!"
Haha hindi namin pinansin ang pagrereklamo ni Vince at nagstart ng tumakbo
"Mahuli manlilibre mamaya!"sigaw ko habang tumatakbo ng mabilis
grabe!ngayon na lang ulit ako nakatakbo ng ganito
yung last time ata nung hinabol ko si Lavander dahil sa Ice Cream hahaha grabe ang bilis nga nya tumakbo noon eh akala nya yata kikidnappin ko sya
"Woah!Ang bilis mo pa rin talaga tumakbo!"sigaw naman ni Jacob habang pinipilit ang sarili na unahan ako
BINABASA MO ANG
Choosing Between Five Hearts (Romcom) (Complete)
RomanceLavander Arjona is just like any other girls that wants to find the right guy for her but unfortunately she's very unlucky when it comes to that But now that she met Five Handsome guys including her troublesome cousin...what will happen to her life...