Can't say it

311 16 1
                                    


chapter 41

Micko's Pov

Kanina pa nag-start ang klase pero wala pa rin sina Edmund at Lavander

I wonder?Nag-date kaya sila?

"Okay class naalala nyo pa ba yung last lesson natin?"tanong ni Sir habang naglalakad papunta sa gilid ko

I still remember it but I'm not in the mood to answer

"Sir!"tapos nagtaas pa ng kamay si Vince at nagsimula na syang sabihin ang sagot nya

Ilang minuto na rin ang nakakalipas at sobrang bored na ako

Matulog na lang kaya ako?

Inalis ko muna yung book sa desk ko at nung dudukmo na sana ako eh nakita ko na pumasok sina Ed at Lav

Saan kaya sila galing?Tsk.Naku-curious ako at hindi ko mapigilang mag-isip ng mga posibleng nangyari habang magkasama sila

*sigh*

Ang sabi ko sa sarili ko kakalimutan ko na ang nararamdaman ko para sa kanya dahil may boyfriend na sya at kaibigan ko pa yun

pero

sa tuwing nakikita ko silang magkasama para bang gusto kong hawakan ang kamay ni Lav at ilayo kay Edmund

Nagsinungaling rin ako na may mahal akong iba at Lovely ang pangalan

Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko magawang aminin sa kanya na mahal ko sya

bakit?

kasi natatakot ako na balang araw iwan rin nya ako katulad na lang ng ginawa ni Dad sa amin

"Sir!Ano po ba pwedeng gawin kapag may PERVERT na nanggugulo sa'kin?"

huh?napatingin ako bigla kay Lavander na nakatayo ngayon

Pervert?Sino kaya yung tinutukoy nya?

"Nice question Ms.Perez pero gusto ko lang itanong may pervert ba na nanggugulo sayo?"tanong naman ni Sir na

Bago sya sumagot eh tumingin muna sya sa Boyfriend nya at dahil dun napatingin din yung mga kaklase namin

"I'm not a pervert!"sigaw ni Ed sabay tayo at nagtawanan ang mga kaklase namin

Pero

Sa halip na matawa eh nakaramdam ako ng kaba

Kaba....

kasi baka may ginawa si Ed kay Lavander kanina at tsaka napapansin ko na sobrang close na sila talaga

-_-

Hahayaan ko na lang ba na hanggang kaibigan na lang nya ako?

*after 1 week*

"Shoot!Late na ako"tapos nagmadali akong pumasok sa gate ng university namin

kaso

bakit ang daming estudyante na lumalabas?

"Hey, where are you going?"tanong ko dun sa lalaki na kaklase ko dati nung elementary

"Uuwi na haha ikaw san ka pupunta?"

"Papasok late na nga ako eh"sagot ko naman

"Ahh sige bilisan mo nakita kong nagtuturo na yung prof mo eh"

Talaga?

"Sige"yun na lang ang sinabi ko at tumakbo na papunta sa building namin

=_=

Choosing Between Five Hearts (Romcom)  (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon