Decision

277 11 1
                                    

Chapter 51

Edmund's Pov

"Okay, I'll give you 15 minutes to get ready for the reporting"

"Sir!Gawin nyo na pong 30 minutes!"sigaw nung isang kaklase namin at sumang-ayon naman yung iba

Kung tutuusin matagal na yung 15 minutes para maghanda

Ang dali lang kaya nung irereport namin

"15 minutes lang haha sige na work with your partner na"tapos uupo na sana si Sir sa upuan nya kaso biglang tumayo yung isa pa naming kaklase

"Sir!!!!!!Sige naaa please???"

ayaw talaga paawat nitong kaklase ko grabe

"Can you please keep quiet?I can't focus here"

Hahahah As expected! Sino pa ba magsasabi nyan?Edi si Vince haha

"See?Nag-reready na yung iba oh kaya 'wag na kayong magreklamo"pagkasabi nun ni Sir wala ng kumontra pa

"Teka nga, Bakit ikaw yung partner ko?"rinig kong tanong sa'kin ng katabi ko

"Ayaw mo ba?Haha parehas tayo ng nabunot na number eh kaya partner tayo"tapos pinakita ko pa sa kanya yung maliit na papel na hawak ko

Tadhana nga naman oh!

Akalain mong sa dinarami-rami ng pwedeng maka-partner sa reporting namin e yung taong mahal ko pa

"Hindi naman sa ayaw kaya lang....."

"Kaya lang ano?Hindi ka makapag-focus kasi kinikilig ka na destined tayong maging mag-partner ngayon?"tapos ngumiti pa ako

"Wag kang Assuming MunMun"

Ouch!

Wag daw akong assuming

"Bakit?Mali ba ako?Hindi ka kinikilig ngayon?Destiny 'to 'di ba?Parehas tayo ng nabunot na number"

"Hindi ako kinikilig"pagkasabi nya nun sinimulan na nyang basahin yung nasa book namin

Tsk

Ano bang dapat kong gawin para makita ang ngiti nya ngayon?

Ang daya ata?Nung kanina na kausap nya sila Micko at Jacob yung ngiti nya abot tenga!

tapos sa'kin 'di man lang makangiti

"Patingin nga ako"tapos nilapit ko ang mukha ko sa kanya para mabasa yung nasa book

Hawak nya kasi yung libro at medyo malapit sa mukha nya kaya inilapit ko rin ang mukha ko para makita yung irereport namin

"Ohh madali lang talaga yung irereport natin 'di na kailangan mag-ready pa----"di ko na natapos ang sasabihin ko kasi paglingon ko sa kanya

Isang daliri na lang ang layo ng lips ko sa lips nya!!

*Dugdug-Dugdug*

Nakatingin lang kami ngayon sa isa't-isa

Walang gumagalaw sa amin

Teka

Hindi ba sa mga palabas ganito yung eksena bago sila mag-kiss?????

Pero nasa klase kami!Nandito mga kaklase namin pati si Sir!

*Dugdug-Dugdug*

Bakit hindi pa rin sya umiiwas sa akin?Bakit namumula lang ang mukha nya???

Wag mo sabihing gusto nya kong halikan ngayon???!

Agad kong nilayo ang mukha ko sa kanya at napatayo ako

Choosing Between Five Hearts (Romcom)  (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon