Her words

351 13 1
                                    

chapter 44

Vince's Pov

"Anniversary namin ng Mama mo ngayon and may surprise ako sa kanya kaya pwede bang---"di ko na pinatapos ang sasabihin nya

"Alright"pagkasabi ko nun kinuha ko na ang wallet at Cp ko pagkatapos sumakay na ko sa kotse ko

*sigh*

Every year naman may surprise si Papa kay Mama at ang laging request nila sa'kin eh mag-stay muna ako kahit saan 'wag lang sa bahay

Tss 'di ba sila nagsasawa na taon-taon na lang na ganun?

Saan naman ako pupunta ngayon?Teka hindi pa pala ako nag-aalmusal

Sa jollibee na lang kaya?

-_-

Bahala na nga basta kung saan malapit

Makalipas ang ilang minuto eh nakarating na rin ako sa kakainan ko and that is Jollibee

Hindi muna ako bumaba sinubukan kong tawagan sila Edmund pero hindi naman sila sumasagot

Tsk.Ayoko pa namang kumakain ng mag-isa

Wag na lang kaya ako kumain?Di naman talaga ako nagugutom eh

Magsisimula na sana akong magmaneho ng may mapansin ako

Si Andy ba yun?Teka hindi na pala iyon ang tawag sa kanya kundi Lavander/Van/Lava girl/Lav

=_=

Bakit ganun?Dapat ako rin!Dapat may tawag rin ako sa kanya at dapat mas sweet kesa sa nickname na binigay sa kanya nila Micko at nung Fake Boyfriend nya na si Edmund

Aaarggghh!!Kapag naaalala ko yun naiinis ako

Sabi ko na nga ba nagpapanggap lang sila eh at teka!Saan na nagpunta si Lavander?

Lumabas ako kagad sa kotse at hinanap sya

Ayun!Pumasok sya sa Jollibee kasama sila Ciara?Mga kaibigan nya ata nung highschool

Okay nagbago na ang isip ko kakain na pala ako

Hindi naman masyadong mahaba yung pila kaya naka-order ako kagad at humanap ng pwesto malapit sa kanila

*sigh*

Ngayon ko lang sya nakitang naka-dress at bagay na bagay sa kanya yun although mas bagay kami

O_O

-_-

Ano bang pinagsasabi ko?!Ang corny naman nun tsk.

Habang kumakain hindi ko maiwasang hindi tumingin sa kanya Haha nakakatawa sya kumain kala mo nasa bahay lang

Kinuha ko sa bulsa ko yung phone ko at Pasimpleng kinuhanan sya ng picture

*Dugdug-Dugdug*

Yung itsura na ganito

Gusto ko itong makita araw-araw

Kahit na may ketchup yung gilid ng bibig nya okay lang

Makalipas ang mahigit 20 minutes eh natapos din silang kumain at ako?Hindi ko naubos ang pagkain ko at bakit?Kasi busy ako kakakuha ng mga stolen shots nya

O_o

Wala namang masama dun 'di ba??

Oo walang masama dun kinuhan ko lang naman sya ng picture at nagkataon lang na sya ang model ko

"Uy Lavander Punta tayo sa Mall may gusto akong bilin na damit eh"rinig kong sabi nung isa pang kaibigan nya

"Sure!Tara na"Sagot naman nya at lumabas na sila

Choosing Between Five Hearts (Romcom)  (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon