Didn't expected

342 16 1
                                    

chapter 43

Lavander's Pov

Simula kagabi hanggang ngayon hindi pa rin kami nag-uusap ni Symon tsk. 'di talaga ako makapaniwala na nasabi nya sa'kin yun

*Kriiing-Kriiing*

Vilein Calling....

Eh?Bakit naman sya tumatawag ngayon?

"Hello?Lavander!I need your help right now"

O_o

"Why?!May masakit ba sa'yo?Teka nasaan ka?!"nag-aalalang tanong ko

"Nandito ako sa bahay"pagkasabi nya nun binabaan na nya ako at dahil dun agad akong tumakbo palabas ng campus at sumakay sa tricycle

Wala pang 10 minutes eh nakarating na ako sa tapat ng bahay nila at hindi na ako nag-doorbell basta pumasok na ako

"Best?!Nasaan ka?"sigaw ko nung nasa sala na ako

"Nandito ako sa taas!"rinig ko namang sagot nya at nagmadali akong umakyat at pagpasok ko sa kwarto nya nanlaki ang mga mata ko

"A-ano yan?!"tanong ko

"Eto ba?Bigay sa'kin ni Brylle"namumulang sagot nya

Kung ganon....

"Walang masakit sa'yo?Hindi ka nahihirapan huminga?Hindi ba naninikip yang dibdib mo?"tapos tumabi ako sa kanya

"Huh?Hindi naman haha okay na ako no"

-_-

Takte kinabahan naman ako dun

"Eh ano yung sinabi mo kanina nung tumawag ka?You need my help?Tsss ang akala ko talaga may nangyari na sa iyo"seryosong sabi ko pero tumawa lang sya at dahil dun hinampas ko sya ng unan

"Ouch!Hahaha sorry na Van"

"Nako uuwi na nga lang ako sayang lang pamasahe ko sa'yo"pagbibiro ko at nung lalabas na ako eh bigla syang nagsalita

"Actually, I really need your help"mahinang sabi nya habang nakatingin sa'kin

"What is it?Tell me"tapos tumabi ulit ako sa kanya

"Gusto kasi makipag-balikan ni Brylle pero hindi ko alam ang gagawin ko"

*sigh*

Ano bang mapapayo ko eh hindi ko pa naman na-eexperience ang ganyan

"Mahal mo pa ba sya?"

"Oo"agad na sagot nya

"Ayaw mo ba syang makita na kasama ang ibang babae?"

"Oo naman no!"

"Gusto mo rin ba makipag-balikan sa kanya?"

"Oo pero natatakot ako dahil baka dumating din ang araw na iwan nya ako"nakayukong sagot nya at pagkatapos nagsimula na syang umiyak

"Vilein...normal lang na matakot ka na baka dumating ang araw na yun dahil ang ibig sabihin nun MAHAL NA MAHAL mo nga sya"dahan-dahang sabi ko at niyakap ko pa sya

"Kung ganun okay lang na pumayag akong makipag-balikan sa kanya?"

"Oo naman"tapos pinunasan ko pa yung sipon nya

"pero....pero pano kung niloloko lang pala nya ako at tinitignan lang nya kung---"di ko na sya pinatapos

"Tsk!Mahal mo ba talaga si Brylle?Kung mahal mo sya dapat may tiwala ka sa kanya at hindi mo dapat iniisip yun"

"Eh kasi naman sa panahon ngayon mahirap ng magtiwala"

=_=

"Basta magtiwala ka lang sa kanya pero kung sakaling niloloko ka nga lang nya edi babaliin ko ang mga buto nya at itatapon ko sya sa Bermuda Triangle!"tapos tumayo pa ako at um-acting na may itinapon ako

Choosing Between Five Hearts (Romcom)  (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon