Chapter 7.

425 12 3
                                    

==Shane's POV==

Kumakain kami ngayon ni Drew ng chips habang nanunuod ng tv. Eto talaga favorite bonding namin eh. Hihi. Naka sandal lang ako sa sofa habang yung ulo ni Drew naka higa sa balikat ko. Ang sweet lang tignan :''>

Kaso isang araw na ang nakakalipas hindi ko pa rin nasasabi kay Drew yung tungkol sa tv series at kay Drake. Well actually alam na nya yung tungkol sa contract pero hindi yung tungkol kay Drake T.T

"Ah.. Drew?" relax lang Shane. Kaya mo yan. Sasabihin mo lang naman na si Drake yung leading man mo eh. Tapos sisigawan ka lang nya pati baka malamang magagalit lang yan.

Pero waaaah! Naman eh! Ayoko magalit sakin si Drew. Huhu.

"Po?" ang amo ng boses nya. Medyo maganda ang mood nya ngayon. Sana gumana pleaseeee.

"Ah, napirmahan ko na yung contract. Yung sa romcom series na sinasabi ko. Amm.. bu-bukas na din pala yung shoot namen." hindi pa rin sya tumitingin sakin pero alam ko na nakikinig sya.

"Ah, edi good." how nice talaga kausap to -_-

"Ang ayos mo talaga kausap! Bahala ka nga dyan." Tatayo na sana ko para mag walk-out pero nahawakan nya yung braso ko kaya napa-upo ulit ako.

*tsup* hinalikan nya ko sa labi. smack lang naman. 

"Ang init naman ng ulo mo baby. Ano ba kasi meron? Dati naman hindi ka nagpapa alam sakin eh." Shoot. Eto na talaga sasabihin ko na. Kayo na bahala sa gwapong nilalang na 'to Papa God.

"Ah.. eh.. ano kasi babe. Yu-yung leading man ko.." habang nanginginig na yung labi ko sa pagsasalita, hinahalikan lang nya yung pisngi ko ng paulit ulit. Gaaad pakiusap wag mong itigil. Haha. Charot.

"S-si D-drake Donovan." napapikit ako pagka sabi ko nun at naramdaman kong tumigil na si Drew sa paghalik sakin.

Wala akong naririnig na salita galing kay Drew kaya binuksan ko na mga mata ko. Pero pagkaharap ko sakanya, kitang kita ko yung seryoso nyang mukha.

"D-drew? A-ano kasi.. hindi ko naman talaga alam na--" hindi na nya pinatapos yung sasabihin ko dahil bigla nalang nya kong hinalikan. Ramdam na ramdam ko yung pagmamahal nya sakin. Para bang bumalik lahat ng memories namin. Yung na develop kami sa facebook, nag away, nagkabalikan at ngayon na mag asawa na kami.

"D-drew. May problema ba?" pagkalayo ng mukha nya sakin, ayan agad ang lumabas sa bibig ko. Ewan ko ba, siguro sa tagal na namin nagsasama, alam ko kung may bumabagabag ba sakanya or ano.

Pero hindi nya sinagot ang tanong ko. He just hugged me instead. Alam kong may problema. Pero bakit hindi masabi sakin ni Drew?

Status: In love. ♥ (Book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon