Dedicated kay bibiloves. Haha. Nakita ko lang sa profile mo :) Salamat sa pagpapa kilig sakin. Paulit ulit ko talagang binasa yun. Yiee. Thank you ulit. Godbless <3
--------------------------------------------------
== Drew's POV ==
"Cut! That's all for now. Good job, Drew. Good job, Steph."
Pagkatapos ng nakakapagod na taping, pumunta na agad ako sa kotse para umalis. Medyo nakaka badtrip na kasi yung mga ginagawa ni Steph. Pag nalaman pa lalo 'to ni Shane, ewan ko nalang.
Pipihitin ko na sana yung susi pero may biglang nagbukas ng pintuan ng kotse at umupo sa tabi ko.
"Teka. Kotse ko to. Nagkamali ka ng sakay." pagkasabi ko sakanya nun, bigla nalang sya nag smirk sakin.
"I know. Kaya nga ko nandito eh." biglang kumunot ang noo ko. Ano nanaman pinaplano neto?
"Tapos na taping natin so I guess pwede mo na kong lubayan." Medyo harsh man pero mas okay na yun kesa magalit si Shane.
"Haha. C'mon, Drew. Don't be so nervous! Napaghahalataan kang takot sa asaw-- Oh I mean girlfriend mo." She let out an evil smile.
"I have no time for your flirty games, Steph. Bumaba ka na lang." Nakatingin parin ako sakanya na para bang sya ang pinaka nakakadiring babae.
"Calm down, Mr. goodkisser. Masyado lang ksi akong nadala sa bedscene natin kanina. Want to continue it somewhere?" Seryoso? Sya lang kilala kong babae na ganto kalandi.
"Bumaba ka na." I said calmly. Calmly kasi pag di ako kumalma baka maitulak ko sya palabas.
"No."
Tinignan ko lang sya ng masama pero nakipag titigan din sya sakin.
"Ayaw mo? Fine. I'll take you to heaven."
== Steph's POV ==
"Ayaw mo? Fine. I'll take you to heaven." pagkatapos nya sabihin yun, pinaandar na nya agad yung kotse ng napakabilis.
Lumaki talaga yung mata ko dahil sa sobrang gulat. Napahawak nalang ako sa seatbelt at natatarantang isuot. Damn, Drew.
"D-drew ano ba! Dahan dahan lang--aah!" napakapit agad ako sa upuan ko dahil sa sobrang bilis ng andar nya, muntik na namin mabangga yung kotse na makakasalubong namin.
BINABASA MO ANG
Status: In love. ♥ (Book II)
Teen FictionAng pagpapatuloy ng storya nila Shane at Drew. Pinakilig kayo sa ka corny-han nila noong book 1. Handa na ba kayo sa panibagong adventure nila ngayon? ;) Just sit back and relax. ♥