Dedicated sayo. Salamat sa pag co-comment mo. Nakakatuwa kasi eh. :D Godbless! <3
== Shane's POV ==
"Shane! Bakit tulala ka dyan? Malapit na mag scene 8. Get ready na." sabi ni Ate Dianne. Nakakainis talaga. Hanggang ngayon di pa rin maalis sa isip ko yung nangyari kagabi. Haay.
"Ah- O-oo." Kung alam ko lang sana problema ni Drew. Nakakainis naman kasi! Bakit ayaw pa nyang sabihin sakin? Ayaw nya kong mag alala? Eh ano ba sa tingin nya nararamdaman ko ngayon? Huhu. Laslas na Shane.
"Okay. Scene 8 take 1.. Action!" Pagka sigaw ni Direk naglakad na yung mga extra papasok ng school. Mala school-romance kasi 'to kaya syempre sa school yung shooting namin.
*scene*
Nagmamadali akong maglakad papasok sa school nang may nabangga ako. Unti unti ko syang tinignan pero hindi ko ineexpect na ganun ka gwapo yung mababangga ko.
"Sorry.." sabi ko sakanya.
Tinanggal nya yung shades nya then inayos yung black jacket nya. Tinitigan ko lang yung deep-brown eyes nya. Yung matangos nyang ilong, yung mapupula nyang labi. Ayaw ko man sabihin pero parang isa sya sa mga sumalo ng kagwapuhan sa mundo.
"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo!" He shouted. Napakunot noo ko. Hindi dahil sa pagsigaw nya kundi dahil parang pamilyar 'tong scene na 'to.
"Nagsorry na nga ko diba? Bingi ka ba?" Nananadya ba yung writer neto? Kasi kung oo iisipin ko sya yung author ng lovestory ko. Ironic. HAHA.
Pero imbis na sumagot ako natulala lang ako. Kasi ang nakalagay sa script, iiripan nya ko at isusuot nya ulit yung shades nya. Instead, eto lang naman sinabi nya.
"If I forgive you, mapapatawad mo rin ba ko?" He said while half smiling. That made me speechless.
"CUT! Ano ba Drake! Wala sa script yun!"
"Sorry direk! Nadala lang." Sabay kindat kay Direk. Edi sya na may nakaka akit na kindat. Pwe.
Hindi ko nalang sya pinansin at nag take nanaman kami ng panibago hanggang sa matapos namin ang ilang scenes. 4:00 pm na kaya kinuha ko na yung mga gamit ko at nagpaalam sakanila. Pupuntahan ko sana yung Manager ko pero may biglang humarang sakin sa daan.
"Hi , Shake" with matching devil smile. Jusko Drake tigil tigilan mo ko sa ganyan.
"What?!" Lalong lumaki yung ngiti nya. Alam nyang naiinis ako at alam kong natutuwa sya dun.
"Tara." Hindi na nya ko pinagsalita dahil hinila nya ko agad agad. Sinusubukan kong hilahin sya pabalik pero masyado syang malakas. Barako ako pero syempre may kahinaan din ako. -__- Lalo na pag hawak nya ko sa kamay. Nakukuryente ako putek.
![](https://img.wattpad.com/cover/3221800-288-k965345.jpg)
BINABASA MO ANG
Status: In love. ♥ (Book II)
Teen FictionAng pagpapatuloy ng storya nila Shane at Drew. Pinakilig kayo sa ka corny-han nila noong book 1. Handa na ba kayo sa panibagong adventure nila ngayon? ;) Just sit back and relax. ♥