EKSENA 3: Ang Pangangampanya at ang Komunidad

5.9K 28 2
                                    

(Dahil sa nalalapit na ang eleksyon, napadaan ang isang sasakyang nangangampanya, tumilapon ang mga sample ballot  sa kalye, malapit sa mga batang katutubo na nagsisipaglaro)

Bata 1 : Oy akin ‘yan, huwag kayong magulo, tingnan n’yo,magkakaparehas lahat ang nakasulat sa papel! (sa isang batang Aeta, kumakaripas ng takbo dala ang balota papunta sa bahay nila)

(Habang papunta sa tindahan, nasalubong ni Jonalyn ang maliliit na batang kaniyang tinuturuan, naliligo ang mga ito sa isang poso ng tubig, bumati ang mga ito… “ Maaryong aga, mam.”)

Jonalyn: O sige, bilisan n’yo dyan, baka sipunin kayo.

 (Samantala, nasalubong niya rin ang isa sa kaniyang mga tinuturuan, tila mabigat ang pasan-pasan sa likuran)

Jonalyn: Freddie, napraktis mo na ba ang pagsulat mo?

Lalaki: Oo, sinisikap ko

Jonalyn: Nakita mo ba ang Apo (lolo) ko sa bundok?

Lalaki: Hindi, hindi ko siya nakita,(Naghiwalay sila ng landas at nagpatuloy ng paglalakad siJonalynpatungo sa tindahan.)

Babaeng Aeta: “Jonalyn, kunin na ninyo ang bigas na para sa inyo.”

(Habang nakapila ang mga katutubo para sa ipinamamahaging bigas.)

Jonalyn: Sige po, si Mamang na lang daw po ang kukuha mamaya.

Babaeng Aeta: O sige, kasi pag wala dito hindi na mabibigyan, gusto ko pa namang ibahagi ang ani ko sa lahat.

MANOROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon