EKSENA 4 - Sa Tahanan nina Jonalyn

5.2K 26 1
                                    

(Sa tahanan nina Jonalyn: Close-Up Shot sa kaniyang Graduation Picture, pati sa Diploma; pakakainin ng tinapay ang kaniyang mga kapatid)

Jonalyn: Tigdadalawa lamang ng tinapay ang kada isa, kakain pa rin kasi sina Mamang at Papang, pero bago ko kayo bigyan, magbibilang muna tayo ng tinapay, sabayan n’yo ako.

Mga Kapatid: Isa…Dowa…Tatlo…Apat!

(Habang sabay na bumibilang ang maliliit niyang kapatid.)

Nakakagutom lalo ang magbilang.

Ina ni Jonalyn: Jonalyn, pakitsek mo naman eto.

Jonalyn: O, Mamang ba’t dito n’yo sinulat ang pangalan n’yo? (Sabay bura) Sino ho bang iboboto ny’o, si GMA? Ganito po isulat ang pangalan niya,tingnan n’yo po at tandaan, ‘di po sapat na alam nyo lamang ang pagbigkas. (Nang mga sandaling yaon, biglang tinawag ng kaniyang ama si Jonalyn na nasa taas ng isang puno at inaayos ang antena ng telebisyon)

Mang Edgar (ama ni Jonalyn): Jonalyn, pakitingnan mo nga kung may nakikita ng tao sa TV! (Nagdudumaling pumunta si Jonalyn sa kanilang maliit na silid)

Jonalyn: Wala pa, wara pang nakikitang tawo! Malabo! Malabo!(Bumaba sa puno ang ama, nagmamadali, tila nadupilas, nahulog at bigla ang pagkabagsak; nagulat si Jonalyn, pinuntahan ang ama, ngunit sa mukha ng kaniyang tatay ay tila walang nangyari)

Mang Edgar: Kelangan na nating sunduin ang Apo (lolo) mo sa bundok.

Jonalyn: Oo nga, ang sabi niya pa naman, bababa siya ng bundok para makaboto.

Mang Edgar: Ang tigas kasi ng ulo ng lolo mo, sinabi kong huwag nang manghuli ng baboy-ramo sa bundok at nauubos na ang mga ito sa ngayon. Tara na, at kelangan na nating umalis ngayon!

MANOROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon