(Habang lumalayo ang nilalakad ng mag-ama ay lalong gumaganda ang mga tanawin sa kabundukan; sasabayan ito ng isang magandang musika na tila sila ay pumapasok na sa isang bagong daigdig)
(Masayang naliligo ang mga bata sa ilog, mula roon uminom naman ng tubig ang batang Aeta na si Jonalyn; humuli ng palaka ngunit nasita ng kaniyang ama kaya’t muli niya itong ibinalik sa tubig, sa may kangkungan, nandiyang siya ay sumandaling umihi, nakatapak rin ng dumi ng kalabaw, naghugas sa isang bahagi ng ilog-ilogan; sa bahaging yaon ay narinig nila ang isang tinigmula sa kabundukan na umaawit...isang awit ng papuri:
“Apo Namalyari Kami’y wala, kung hindi dahil sa ‘yo Makapangyarihang Isa Kami ngayo’y nangagtipon Dito sa aming taniman Kayo lamang ang makatutulong sa amin”(Ang awiting yaon ay tila kumurot sa puso ni Jonalyn; kaya’t siya’y napaawitrin):
“Ako’y nagsabi kay tatay,Manghuhuli ako ng usa,“Ako’y nagpaalam kay nanay Para manghuli ng ibon Ngunit ako itong nahuli Ng katutubong Aeta”(Pumapaitaas na ang paglakad nina Jonalyn sa bahaging iyon ng bundok,nakita nila ang grupo ng mga Aeta na nagsisipagtanim na sinasabayan ngpagtugtog ng munting gitara ng isang babaeng Aeta)
Mang Edgar: Nakita n’yo ba ang aking Ama?
Mga Katutubo (nagsisipagtanim): Hindi, hindi pa rin siya nagpakita, mga dalawang araw na ang nakalilipas.
Mang Edgar: Jonalyn, dito ka lang kasama nila, ako na lamang ang maghahanap sa Apo mo doon sa mas malayo.
Jonalyn: Amang, tara munang magdasal.(Sabay lumuhod ang mag-ama at itinaas ang mga kamay) Apo Namalyari...Sana’y ligtas ang aming Apo Bisen Tatlong araw na po siyang nawawala Sana po ay amin siyang makita Sa lalong madaling panahon
Jonalyn: Amang, mag-ingat ka!
Mga Katutubo: Tara na, sumama ka sa amin, maghanda tayo ng pananghalian!
BINABASA MO ANG
MANORO
No FicciónDON'T FORGET TO VOTE! Ayon sa ulat, tinatayang halos anim na milyong Pilipino ang maysuliranin ng “kamangmangan” o yaong illiterate. Karamihan sa kanila ay mga katutubo na tila nakalimutan na yata ng pamahalaan. Tandaan, sila ang isa sa mga unang n...