(Napaupo si Jonalyn sa labas ng presinto, may lungkot sa kanyang mukha,may bahid ng kawalang pag-asa...habang tinitingnan niya ang sitwasyon ngmga panahong yaon.)(Ipinakikita ng kamera ang senaryo: Ang karamihan ng mga katutubong Aetaay nasarhan na ng presinto, inabutan na ng pagsasara ng botohan kaya’thindi na sila nakaboto. Naroon ang mga ilang sundalo at kapulisan na sa
akala niya’y sasaklolo sa kanila ng mga panahong yaon. Ang mga sanggol nakatutubo na buhat-buhat at pasan ng kanilang mga magulang na tila kalunus-lunos ang mga tinig, patuloy sa kanilang paghikbi at pag-iyak. Para kayJonalyn, isang kabiguan sa kaniyang kaluluwa at buong pagkatao angkaniyang mga pagsusumikap ng mga panahong yaon...nalaglag sa kanyangmga mata ang butil ng mga luha...malayo ang tingin.)(Sa pagkakataong yaon, dumating ang kanyang Apo Bisen, kabababa lamangmula sa kabundukan, pasan-pasan sa kanyang likuran ang isang malakingbaboy-ramo, sabay nagwika itong:Apo Bisen: Tayo na, umuwi na tayo. (Muli silang naglakad pauwi satahanan.)
BINABASA MO ANG
MANORO
Non-FictionDON'T FORGET TO VOTE! Ayon sa ulat, tinatayang halos anim na milyong Pilipino ang maysuliranin ng “kamangmangan” o yaong illiterate. Karamihan sa kanila ay mga katutubo na tila nakalimutan na yata ng pamahalaan. Tandaan, sila ang isa sa mga unang n...