EKSENA 7 - Ang Pananghalian

3.6K 19 1
                                    

Ipinakikita ang paghahanda ng pagkain ng mga Aeta, isang sariwang ubod ng saging at sariwang mga gulay na galing sa kanilangpananim...)

Katutubo: Gulay na naman! Ang paborito ko ay tubang-manok!

Katutubo: (Habang kumakain) ‘Dyuna, turuan mo kami uli kung paano magbasa at magsulat ah, kasi magboto kami!”

Jonalyn: Sige, pagkatapos nating mananghalian, mag-aaral uli tayo.

(Isang eksena ang kinuhanan pagkatapos ng kanilang pananghalian:

Isangbatang babae ang kinukutuhan, nasasaktan ito sa bawat hila ng kanyangmahaba, kulot at matigas na buhok...Maririnig ang ganitong usapan):

Batang Babae: Tama na, tama na, masaakit!...masaaakit...

Jonalyn: Eh, paano ka magiging reyna niyan eh hindi ka nagpapakuto!

Batang Babae: Kaya nga ayoko na, ayoko nang maging reyna!

(Samantala, sa kabilang panig ng kagubatan,...sa patuloy na paglalakad ng kaniyang amang ay lalong nagiging mapanganib ang susunod na eksena: Sumalubong sa landas nito ang isang baboy-ramo, kinagat siya nito sa hita at halos magpambuno sila.)

MANOROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon