EKSENA 5 - Simula ng isang malayong paglalakad

4.8K 28 4
                                    

(Sa paglalakad ng mag-ama ay nasalubong nila ang isang sasakyan kung saan naroon ang mga Koreano, binati nila ang isa’t isa.)

Koreano: (pinatutungkulan ang ama ni Jonalyn): “Yu nid to fill-up aplikey-shen form for your job”... (ibig sabihin ay kelangan nitong magpasa ngaplikasyon para sa trabaho)(Nagpasalamat ang mga ito.)

Mang Edgar: Jonalyn, tulungan mo akong maigi kung paano magbasaat magsulat.

Jonalyn: O sige, para makaboto ka.

Mang Edgar: Huwag na, hindi na mahalaga ‘yon, pagsasayang lang ng oras yan, narinig mo naman ang mga Koreano, kelangan kona mag-fill-up ng aplikasyon.(Sinimulan ng mag-ama ang mahabang paglalakad upang hanapin ang kanilang Apo Bisen,..mahabang paglalakad na tila isang walang katapusang paglalakbay,...paglalakbay para sa kinabukasan.)

(Sa paglalakad ng mag-ama ay matutunghayan ang iba’t ibang eksena,ipinakita ang karilagan at kagandahan ng mga kabundukan na tila humihiyawng kinabukasan...maalikabok ang tinatahak na landas; Ang pagtatangka ng sumakay ni Jonalyn sa kalabaw, ang kanyang tiyuhin na isang mag-uuling na tinanong niya kung pinag-aralan na nito ang kaniyang mga itinuro; ang pagdaan ng mag-ama sa tila isang munting sementeryo sa kabundukan kung saan kumaripas ng takbo si Jonalyn, sabay tanong ng ama kung hanggang ngayon ay takot pa siya sa mga patay. Nasalubong nila si Apo Almario...)

Jonalyn: Apo Almario, nakita nyo po ba ang aking Apo Bisen?

Apo Almario: Hindi, hindi kami nagkita!

Ama: Ngunit sabay kayong umakyat ng bundok.

 Apo Almario: Oo, ngunit naghiwalay kami ng landas.

Jonalyn: O sige po, salamat, bomoto ka bukas! (Sabay nagpaalam ang mag-ama kay Apo, sa patuloy nilang paglalakad ay nakita naman ni Jonalyn ang mga batang nasa taas ng puno, tumutugtog ng plawta at binati siya ng ‘magandang umaga’ ng mga ito, sinabihan niyang mag-ingat ang mga ito at baka sila ay mahulog. Samantala, sa isang bahaging bundok ay natanaw nila ang isang napakalawak at napakalaking apoy dulot ng kaingin)

Jonalyn: :Sa ginagawa nilang ‘yan ay inaagawan nila ng tahanan ang mga ibon (Malungkot ang mukha)

MANOROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon