"Kamusta ang klase?" tanong saakin ng mama ko. Kasalukuyan sya ngayong nagmemeryenda sa kusina.
"Okay lang po ma." sagot ko sa kanya. "Nakakapagod lang po dahil wala si Ate Kristina. Kaya naman ako ang pumalit na magbabantay sa mga kaklase ko tuwing walang klase."
"Osya magmeryenda ka na." sabi ni mama pero tinanggihan ko dahil busog pa naman ako.
"Huwag na po ma. Pasok po ako sa loob at magsisearch lang po ako para sa assignment ko." paalam ko kay mama.
" Hindi mo naman kailangang pagurin masyado ang sarili mo. Makipagsocialize ka rin sa iba."
Sabi nyaNgumiti nalang ako sakanya at patuloy na pumasok sa loob.
Kung maaari lang po sana ma na ganun nga ang kaso mahirap pong gawin ang mga bagay na gusto ko dahil kapalit nun ay ang di pagtupad sa mga bagay na gusto nyo para saakin.
sabi ko sa isip ko.Papasok ko sa loob ng aking kwarto ay nagbihis na ko. Nakita ko doon sa bedside table ko yung Bible ko kaya kinuha ko ito at nagbasa basa muna. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Naalimpungatan ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Ilang minuto rin pala akong nakatulog. Kinuha ko yung cellphone ko at sinagot kung sino man ang taong tumatawag ngayon.
"Hello?" mahina lang ang boses ko. Halatang kakagising
"Hello Apple." sagot naman ng lalaki sa kabilang linya. Di ko alam kong sino to dahil di ko na pinagkaabalahang tingnan yung screen ng cellphone ko kanina.
"Hmmm? Sino to?"
Humalakhak naman ang nasa kabilang linya dahilan para tingnan ko kung sino ngaba ang tumatawag na naging dahilan para maistorbo ang tulog ko.
"Bwisit ka Christian!" bulyaw ko sa kanya. Sya lang naman yung bestfriend kong lalaki.
"Kagigising mo yata. Naistorbo ba kita" tanong nya saaken. Kusa namang tumaas yung kilay ko dahil sa narinig ko.
"Ano sa tingin mo?" minsan nakakairita rin yung timing nito parang timang. Kung hindi lang dahil bestfriend ko sya at may gusto ako sa kanya ay hindi ko sya pagtitiisan.
2nd year palang kami nang magkagusto ako sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit e ang kaso sa ngayon pinipigilan ko na dahil girlfriend na sya ang isa sa kaibigan ko. Isa pa 4th year naman na kami. Madami pa namang iba dyan na hindi lang sya. Sabi ko sa sarili ko. Makulit nga lang ang puso ko.
"Ano?! Bakit ka tumawag? Istorbo."
Tumawa lang sya kaya mas lalo akong nainis.
" Ito naman highblood kaagad. wag ka ng magtampo baby"
kusang umikot ang mata ko. rainbow style. Kung hindi ako iinisin binobola naman ako."Baby? Ano ako?! Sanggol! ganun naba ako kaliit para sayo? excuse huh mister! 5 flat naman ako." Bulyaw ko sa kanya.
"Chill ka lang Apple." sagot naman nya
"Chill Chill! pano ako magchi-chill sinira mo yung tulog ko."
sabi ko sa mas mahinahong boses. Ngayon lang nagsink in saaken na baka marinig nila mama na may kausap ako. tss palpak talaga."Sorry na nga. Tumawag lang naman ako sayo para sabihing magkasama tayong pupunta ng Manila para sa meeting."
"Ows?" kako kaagad sa kanya. Bakit nga ba kung kelan umiiwas ka sa isang tao ay sya namang paglapit nito sayo.
Tadhana? Ano ba talaga? mas mahirap pa yata ito sa pagkuha ng Velocity,Distance and Acceleration sa Physics; Pagsolve kay X pati na rin kung Y; at pagkabisado ng sangkatutak na equation sa chemistry isama mo narin yung mga elements sa periodic table na ngayon ay nadagdagan na naman.
Hay! buhay nga naman"Grabe ka naman Ple. wala ka na bang tiwala sa napakagwapo mong bestfriend" tanong nito saaken. Kunwari pang nasaktan sya sa sinabi ko if I know mangaasar na naman yan.
"Ano? Kwago? Oo nga mag tiwala naman ako sayong Kwago kung bestfriend ano ka ba. HAHAHA" Di ko napigilang mapahalakhak for sure nakabusangot nanaman sya
"Ganyan ka namam saken Ple. Sabihin mo na kasing di mo na ko mahal dahil may Bryle ka na! Akala mo di ko alam na crush mo yung mukhang hunghang na yun? Grabe ka ang gwapo gwapo ko sa mukhang unggoy mo pa ako pinagpalit"
Natigil ako saglit pero bumalik din ako sa huwisyo ng maalala kong magy girlfriend nga pala sya kaya naman sinakyan ko nalang yung trip nya.
" Oo pinagpapalit na kita sa kanya. Hindi na kita mahal"
"sige ganyan ka naman." sagot nya saken tyaka ako pinatayan. wow! anong trip ng lokong yun?
" Anong pinagpapalit na kita? at anong mahal mahal yan" biglang sulpot ng boses. Hinanap ko kung saan galing ang boses na iyon at nanigas ako sa kinalalagyan ko. Shit! Narinig ni Papa? Patay ako nito.
" A-Ahm Papa?" hay nagmumukha akong timang. malamang sya yun.
"Ano yun Apple? May boyfriend ka na?" seryosong tanong sakin ni Papa.
" Hindi po pa. Line ko po yun para sa dula-dulaang ipre-present namin bukas. Nagme-memorize lang ako." pagsisinungaling ko. Great Apple! Sana lang maniwala si papa
"Osya sige tumayo ka na't kumain ka na. Tapos mo na ba yung mga ise-search mo?"
seryoso parin si Papa." Hindi pa po nakatulog po kasi ako mamaya nalang po siguro" sagot ko kay papa habang nagaayos ng mga gamit ko.
" Sige. Hindi naman sa pinipigilan ka naming magkaroon ng boyfriend Apple pero makapaghihintay naman yan. Sa ganyang edas lolokohin ka lang ng mga makikilala mo." bigla biglang sagot ni papa. Napatingin naman ako sa kanya pero umalis na sya. Siguro magiinom nanaman sya kasama yung mga kaibigan nya. Kusa namang pumatak yung luha ko pero pinunasan ko yun kaagad at nagtungo na ko sa kusina.
Minsan hindi ko alam kung maiinis ako kay papa. Lahat nalang kasi ng mga bagay na naging mali nya iniisip nya na magiging mali ko rin. Kung di man mali nya, mga mali naman ng mga kapatid o pamilya nya. Iniiwas nya rin ako masyado sa pagbabarkada dahil nga hindi rin daw maganda. Kinakaibigan lang daw nila ako dahil sa nga bagay na kaya kung gawin. Ayaw nya rin na tumatanggap ako ng libre dahil baka maningil daw sila. Andaming bawal. Lagi syang nagagalit pag umiiyak ako. Pagsinasabi kong nahihirapan ako lagi nyang sinasabi na ako lang daw yung nagiisip. Na bakit daw yung iba mas mahirao na yung sitwasyon nila kaya naman nila. Sa sobrang taas ng expectation nila saken di ko na alam ang gagawin para maabot ko ito. Buti nalang andyan si Christian, Okay lang na hanggang magbestfriend lang kami ang importante pinapasaya nya ako lagi sa tuwing nalulungkot ako. Sya yung Anghel na gumagabay saaken sa tamang landas sa tuwing nawawala na ako at di ko na kilala ang sarili ko, Sya ang Knight in Shining Armor ko na handa akong iligtas sa tuwing nasa kapahamakan ako at sya yung Prince Charming, A Prince Charming I've always wish but I never had. But it's okay as long as he's with me, even if it's only because I'm his bestfriend. It's okay. It's okay as long as I know that he exist. It's okay.
YOU ARE READING
Challeges Of Heaven
SpiritualLife is not easy... Problems always comes along Paano kung habang kinakaharap mo ang mga pagsubok mo sa buhay ay sya ring panahon kung saan makikilala mo ang taong magiging sandalan mo sa bawat sakuna. Ang taong magpaparamdam sayo na di ka nag-iisa ...