"Mahal mo o Mahal ka?"
Kasalukuyan kami ngayong nagkakaroon ng dicussion on who we would choose. Mula kasi nung lumabas yung kantang mahal ko o mahal ako naging hot topic narin yun sa klase. Kahit nga sa Filipino subject namin yun ang topic. Buti nalang related sya sa lesson ngayon.
"Sinong sasagot?" tanong ni Mrs. Esguerra
Walang nagtataas ng kamay nung una hanggang sa nagtaas ng kamay si Floyd.
"Ma'am yung mahal po ako" sagot nito. I just smile at his answer
"At bakit Mr. Angel?"
" Sapagkat alam ko pong darating din yung time na matututunan ko syang mahalin."
" Okay, sino pa ang nais sumagot"
Tinaas ko naman ang kamay ko at tinawag ako ni Maam
" Lahat po tayo may kanya kanyang opinyon dito lalo na't depende rin naman po yun sa sitwasyon. Ngunit para saakin ay mas pipiliin ko ang taong mahal ko. Kung sinabi po ni Floyd na may tyansang mahalin nya ang taong mahal sya, siguro naman po may tyansa ring mahalin ako ng taong mahal ko. Maikli po ang buhay kaya't gagawin ko po kung ano ang gusto ko at pipiliin ko po kung sino talaga ang nagpapasaya saakin ng totoo" litanya ko.
"Ms. Cuevas maganda ang iyong sagot." sabi nya at tyaka ngumiti
"Bes? San mo nahugot yun?" biglang tanong saken ni She. Tinawanan ko nalang sya dahil alam kong nangaasar nanaman yan. Alam lahat ni She ang nangyayare saaken kaya ganun nalang kung mangasar.
"May iba pa bang sasagot?"
"Naku maam nagsalita na si Apple kaya wala na"
"hahaha gago! Ang Sabihin mong gusto mo ng magrecess kaya ganyan"
"Tsk! Panira ka!"
Nagtawanan kamkng lahat dahil sa pagbabangayan ni Bolivar at Rae Mark. Hanggang sa nagtaas ng kamay si Bryle.
" Yes Mr. Santiago?"
" Sumasangayon po ako sa sagot ni Apple. Dahil kung ako rin po ang tatanungin, pipiliin ko rin po ang taong mahal ko. Kahit na alam mong may mahal syang iba, kahit na minsan nasasaktan ka na mamahalin at mamahalin mo parin sya dahil ang pag-ibig hindi yan humihingi ng kapalit, pwede mong mahalin ang taong gusto mong mahalin."
" Woaahh! Bro? Sino yan?"
"Bryle! Ako nalang please"
Natatawa nalang ako sa mga kaklase ko pero nagulat ako sa sumunod na nangyare.
" kahit na may mahal kang iba, tandaan mo hihintayin kita. Hihintayin kita." sabi nya habang nakatingin ng deretso sa mga mata ko.
Tulala lang ako sa kanya.
" O my gosh!"
"Bryle and Apple..."
"Ahem Mr. Santiago? May gusto ka ba kay Ms. Cuevas" tanong ni maan sa kanya
"Wala po... Dahil hindi ko po sya gusto. Mahal ko po sya." he said
At naramdaman ko nalang ang paginit ng dalawang pisngi ko.
Bakit kailangan pang mangyare nito? Hay I'm not even pretty I told myself. Everyone's murmuring something but all I can see rightnow is Christian who's looking at me. I feel my heart beats faster so I look away. I am really inlove with this guy but he's inlove with someone else. I feel pity for Bryle dahil nararamdaman ko rin ang nararamdaman nya parehas lang kaming nagmahal sa taong di kami kayang mahalin. Naaawa ako sakanya dahil tulad nya pipiliin ko rin ang taong mahal ko.A/N: very very short update. Sorry guys next time ulit.
YOU ARE READING
Challeges Of Heaven
SpiritualLife is not easy... Problems always comes along Paano kung habang kinakaharap mo ang mga pagsubok mo sa buhay ay sya ring panahon kung saan makikilala mo ang taong magiging sandalan mo sa bawat sakuna. Ang taong magpaparamdam sayo na di ka nag-iisa ...